Kabanata 2
Kabanata 2
Sumunod na araw, nagising si Madeline mula sa kanyang tulog.
Bago pa man siya magising nang buo, isang kahon ng contraceptive pills ang ibinato sa kanya.
“Inumin mo ito.”
Inangat ni Madeline ang kanyang ulo at nakita niyang bihis na si Jeremy. Malamig at elegante itong
tignan, ibang-iba sa bayolenteng demonyo na kasama niya kagabi.
Nang tingnan niya ang kahon ng contraceptive pills, nanginig ang puso ni Madeline.
Buntis na siya at hindi niya dapat ito inumin. Magiging dahilan ito para madeporma ang bata.
“Bakit ayaw mong inumin? Gusto mo bang ipakain ko pa sa iyo?”
Nang makita niyang hindi kumikilos si Madeline, nainis siya rito nang bahagya.
“Madeline, sinasabihan na kita. Huwag mong subukan na dalhin ang anak ko. Wala kang hiya,
kakagatin mo pa ang kamay na nagpapakain sa iyo. Hindi ka nababagay maging ina ng anak ko!”
Tumusok ang mga salitang ito sa puso ni Madeline.
Tag-init na, pero ramdam na ramdam ni Madeline ang malamig na simoy ng hangin sa puso niya.
Akala niya ang bata ang magiging dahilan para umayos ang relasyon nila, pero sino ba ang binibiro
niya.
Ngayon, wala na siyang pagkakataong sabihin sa lalaki na buntis siya.
Gayundin, sa ilalim ng malamig at mapagmatyag nitong tingin, wala na siyang magawa. Kumuha siya
ng isang pill at nagpanggap na nilunok ito. Sa totoo lang, tinago niya ito sa ilalim ng kanyang dila.
Ayaw ni Madeline na magsinungaling. Natatatakot siyang malaman ito ni Jeremy. Subalit, sa parehong
pagkakataon, tumunog ang cellphone nito.
Tinignan ni Jeremy ang caller ID nito at agad na sinagot ang tawag. Sabay kumunot ang mga kilay
nito.
“Ano? Sinubukang patayin ni Meredith ang sarili niya? Papunta na ako!”
Nagulantang si Madeline sa balita. Sinubukang patayin ni Mer ang sarili niya?
Hindi niya pinansin ang sakit ng katawan at agad na nilinis ang itsura niya. Sunod, naglagay siya ng
kahit anong damit at agad na bumaba.
PInaandar na ni Jeremy ang sasakyan at papaalis na sana. Subalit, biglang napabukas ang passenger
seat.
“I-alis mo ang madumi mong kamay. Sino ang nagsabing umupo ka sa kotse ko?”
Ang malamig at walang pusong mga salita ng lalaki ang naging dahilan para tanggalin niya agad ang
kanyang kamay. Kasing baba siya ng dumi sa tuwing tinitignan siya ni Jeremy.
“Jeremy, nag-aalala ako kay Mer. Isama mo ako.”
“Nag-aalala ka? Hindi ba ikaw ang pinakamasaya kapag namatay si Meredith?”
Tinignan siya nito nang malamig at may muhi. Sunod, inapakan na niya ang gas.
Namuti ang mukha ni Madeline. Matapos tumayo nang ilang segundo, nagtawag siya ng isang kotse at
sinundan si Jeremy.
Sa City Center Hospital, sinundan ni Madeline si Jeremy sa isang kwarto.
Sa loob noon, pinanood niya nang may pag-aalala na lumapit si Jeremy sa may kama. Sa
pagkakataong ito, nakaupo si Meredith habang namumutla. Basa ang mga mat anito, tila ba masama
ang loob.
Subalit, mabuti na lang at malayo siya sa peligro. Nakahinga si Madeline.
Nang makita ni Meredith si Jeremy, bumagsak ang mukha nito. Niyakap niya ang lalaki na tila ba
pagod na pagod na siya.
“Jeremy…”
Tinawag niya nang matamis ang pangalan nito habang sinasabi ang lahat ng kanyang problema.
Sa mga mata ni Madeline, bagay na bagay si Jeremy at Meredith, talagang mahal na mahal nila ang
isa’t isa, habang siya ay isang ekstra lang. Nasa labas ng kuwento nila. novelbin
Pinigilan ni Madeline ang lungkot sa puso niya at naglakad papunta roon.
“Mer…”
“Madeline inggarata ka! Talagang nagpunta ka pa dito para makita si Meredith!”
Nang papalapit na sana si Madeline, isang galit na boses ang maririnig sa likod niya.
Pamilyar ang boses na ito. Ito ang nanay ni Meredith, si Rose Tanner.
Agad na lumingon si Madeline at nakatanggap siya ng isang malakas na sampal. Ganoon din, nanlabo
ang kanyang paningin sa lakas nito.
“Isa kang walang hiyang pokpok! Inampon ka namin. Pinakain, dinamitan, at sa huli, talagang ninakaw
mo pa ang kasintahan ni Meredith!”
Sa isang bigla, binanggit na naman ni Rose kung ano ang nangyari sa pagitan nila ni Jeremy tatlong
buwan ang nakalilipas. Subalit, hindi naman ito pinlano ni Madeline.
Gustong magpaliwanag ni Madeline, pero nakatanggap na naman siya ng isang malakas na sampal sa
kabilang mukha.
Nagsimula nang dumugo ang gilid ng kanyang labi. Dagdag pa roon, tila ba nahihilo na siya at halos
matumba. Sunod, si Jon Crawford, ang kanyang ama, ay sinigawan siya sa tainga.
“Madeline, simula sa araw na ito, hindi ka na isang Crawford. Wala kaming anak na kagaya mo.
Walang hiya at gagawin ang lahat para makuha ang gusto!”
Matapos sabihin iyan, sinipa ni Jon si Madeline.