Chapter 10: Salary(2)
CHAPTER 10 Aleighn's POV
Ginawa ko lahat ng gawain sa bahay ni sir Craige ng maka alis siya, hindi ko alam kung bakit kailangan na sa opisina niya pa mismo kunin ang sweldo ko kung pwede naman ng ibigay mismo sa akin.
Trip ata akong inisin ng amo ko, akala naman niya maiinis niya ako
Hindi man lang sinabi sir Craige kung saan ang kompanya niya, maige nalang ay alam ko kung saan iyon. Sino ba naman ang hindi makaka alam eh sikat siya at ang kompanya niya lalo na pagdating sa pag gawa ng mga alak Tanghaling tapat ng maisip kong gumayak na at pumunta sa opisina ng mooding si sir Craige. Nakasuot lang ako ng black faded jeans at kulay lilac na blouse na tinernuhan ko ng simpleng sandals na nabili ko lang sa ukay ukay Nang makarating ako sa harap ng kompanya niya ay tiningala ko muna ang pagka taas taas na building habang nakatayo ako sa harapan nito, saka ko lang naisipang magtungo sa entrance at magtanong sa guwardiyang naka duty "Gandang tanghali manong" nakangiti kong bangon
"Gandang tanghali miss saan ang punta mo?" tugon niya sa akin
"Sa opisina po ni Mr. Aldomar manong" nakangiti ko paring sagot sakanya
"Mag iwan ka ng Id mo miss tapos sakay ka ng elevator, nasa sixteenth floor ang opisina ni Mr. Aldomar" sambit nito sa akin saka ako pinag sulat ng pangalan ko sa log book niya, policy daw kasi ng kompanya kaya sinunod ko nalang Pag pasok ko palang sa loob ng buong building ay bakas na bakas sa mukha ko ang pagkamangha, dahil talaga namang anlaki ng kompanya ni sir Craige at talagang umaalingasaw ang karangyaan na meron siya, base sa itsura ng buong building
Agad akong nag tungo sa pinaka malapit na elevator at pinindot ang floor kung saan naroon ang opisina ni sir Craige at habang lulan ako ng sinasakyang elevator, hindi ko maiwasang pansinin ang itsura at suot ko sa mga oras na ito, ramdam ko kasi ang tingin sa akin ng mga taong lumalabas at puma pasok ng elevatorThis belongs to NôvelDrama.Org: ©.
Napatingin tuloy ako sa itsura ko ng lumabas na ang babaeng nakatabi ko kanina lang, maayos naman kahit mukhang mga luma na. Dahil lang ba magaganda at mahal ang suot nila huhusgahan na nila ako base sa nakikita lang, mga tao nga naman talaga
Nang lumabas ako sa elevator ay napansin ko ang malawak na palapag at iilan lang na mga opisina na sa bilang ko ay nasa apat lang ang mga iyon
Luminga linga ako sa paligid bago ko napansin ang isang babaeng naka mini skirt, hapit na hapit ang damit na suot na halos lumuwa na ang dibdib at saka pagka taas taas na sapatos
"Who are you miss, anong kailangan mo?" tanong niya sa maarteng boses
"Ay magandang umaga po, si sir Craige po sana ang sadya ko" naka ngiti ko namang sagot
Napansin ko ang pag kunot ng noo at taas ng kilay sa akin ng babae ng magsalita ako
"Anong kailangan mo sakanya?!" iritable niyang tanong
"Katulong niya po ako kukunin ko sana ang sweldo ko, kaya pinapunta niya ako dito" magiliw kong sagot kahit na inirapan niya na naman ako
Napaka arte akala ikinaganda niya, sabi nga ng iba be kind to others kaya sige lang ako ng ngiti sa harapan niya
"He's not here right now may meeting siya, kaya kung may kailangan ka maghintay ka lang!" as usual masungit niya paring sabi
"Sige maghihintay nalang po ako salamat" nakangiti kong sambit sakanya, at hindi ko alam kung ma attitude lang ba talaga ang isang iyon basta nalang akong tinalikuran
Kung nasa meeting si sir Craige sigurado akong matatagalan iyon, wala naman akong choice kundi ang maghintay dahil kailangan ko ang sweldo ko sakanya, baka anong gawin sa akin ni Raul kapag umuwi ako sa amin mamaya at hindi makapag bayad sakanaya
Dahil kailagan ko yung pera kailangan kong mag tyaga na hintayin ang mabait kong amo, pwede naman kasing ibigay niya na sa akin kanina gusto pa na dito sa opisina niya
Lumipas ang dalawang oras na pagtayo at paghihintay ko kay sir Craige ay hindi pa rin siya dumarating, at halos masakit na ang mga paa ko dahil sa kakalakad at kakatayo malibang lang ako sa paghihintay sakanya
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Isang beses akong nilapitan ng babae kanina ng lumapit sa akin at nagtaray, siya pala ang sekretarya ni sir Craige kaya alam niya kung nasaan ito
Tinanong niya kang ako kung bakit hindi ko nalang balikan bukas kung ano man ang kailangan ko, pero dahil kailangan ko yung pera, maghihintay nalang muna ako hanggang sa dumating si sir Craige
Sa kakalakad ko ng pabalik balik ay may nabunggo akong lalaki ng hindi sinasadya at tumama ako sa dibdib nito
"Watch out lady!" malisyoso nitong sabi habang hawak ako bewang kaya naman agad akong humiwalay sakanya
Sinamaan ko siya ng tingin, pero agad kong napansin na pamilyar ang mukha niya sa akin
Parang nakita ko na siya sa bar na kasama ni sir Craige
"Sorry sir" maikli kong sabi, tatarayan ko sana kaya lang ako naman ang may kasalanan, hindi ako natingin sa nilalakaran ko
"Ikaw yung waitress right?" tanong niya habang naka pamulsa
Mukha sanang gwapo ang lalaki na ito kaya lang kung makatingin, iisipin kong manyakis siya
Hindi ko pa nakakalimutan na halos muntik niya na akong hipuan noon sa bar
"Ako nga sir, ikaw po yung kaibigan ni sir Craige tama?" sambit ko
"Yes ako nga, aning ginagawa ng magandang katulong niya dito?" nakangiti niyang untag
"Hinihintay ko po siya, kasi yung sweldo ko" sagot ko naman
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Bakit dito hindi doon sa mansion niya?" tanong niya ulit
"Sabi niya kasi dito ko daw kukunin, alam niyo po ba kung nasaan siya sir?" tanong ko
"Stop calling me sir sobrang pormal mo naman, Dave nalang and you anong pangalan mo?" tanong niya ng nakangiti
"Aleighn po" sagot ko naman
"What a nice name, gusto sana kitang ligawan kaya lang baka may magwalang tigre" natatawa niyang untag na hindi ko alam kung anong ibig sabihin, kaya naman hindi ko nalang pinansin Gustong ligawan, baka gusto lang pag tripan
"Wala si Craige dito actually kanina pa siya umalis pagtapos ng isang meeting niya, hindi ka ba sinabihan ng secretary niya?" inporma niya sa akin
"Huh asan po siya? Bakit niya ako pinapunta sito gayong wala naman pala siya?!" inis kong untag
"May sayad ugali noon kaya hindi na ako magtataka, sa bar mo nalang mamaya kunin ang sweldo mo sakanya I'm sure pupunta siya mamaya doon" untag nito sa akin
Hindi agad ako kumibo sa sinabing suhestyon ni sir Dave sa akin, ngayon ko kasi talaga kailangan ang pera sanang makukuha sakanya, dahil sigurado akong naka abang na sa akin si Raul sa bukana palang ng iskwater Yung toyo ni sir Craige ayaw niyang ilugar, hilig mang trip ng ibang tao
"Doon na nga lang siguro sir Dave, wala naman akong choice. Sayang lang yung oras ko dito, mukhang pinapunta niya lang ako dito para mag mukhang tanga!" inis kong sabi habang naka ngiti
Mamaya ka sakin sir Craige, ngayon iisip muna ako ng pwede kong idahilan kay Raul dahil siguradong mahabang pakiusap na naman ang gagawin ko pag bigyan niya lang akong ma delay ang bayad sa utang ko