Chapter 17
Chapter 17
"WHAT the hell have you done with the Ferrels, Alexis? It was all over the news! Business partner ko si
Lino pero sa ginawa mo, posibleng matapos na ang mga transactions ko sa kanya! Ano bang
pinaggagawa mo sa buhay mo-"
"Tama kayo, Vice. As usual. Ano nga bang pinaggagawa ko sa buhay ko at sinasagot ko pa ang mga
tawag n'yo?" Napu-frustrate na ganting tanong ni Alexis sa ama. "'Wag kang mag-alala. Magtatanda na
ako. Next time, I swear I will be wise to never answer your call again." tinapos niya na ang tawag at
isinilid sa bulsa ng pantalon ang cell phone.
Papunta na sana si Alexis sa kusina para ipaghanda ng almusal si Diana nang mahuli niya itong
nakatayo sa hagdan hindi kalayuan sa kanya. Walang mababasang anomang emosyon sa magandang
mukha nito kahit pa alam niyang narinig nito ang mga sinabi niya sa ama.
Sinikap niyang ngumiti at humakbang palapit sa dalaga. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag
nang makitang nakapagpalit na ito ng damit. Sa tuwing nakikita niyang suot nito ang wedding gown
nito ay para siyang sinasakal. "Good morning-"
"Hindi kaya hindi mo talaga ako mahal, Alexis? You're just miserable and you wanted people around
you to feel the same. Dahil ayaw mo nang mapag-isa. Gusto mo ng may karamay. Ganyang-ganyan ka
noong college pa tayo. Gusto mo ng karamay kaya mo ako nilapitan-"
"Sana sinampal mo na lang ako, Diana." Ilang beses siyang napabuga ng hangin para pigilan ang
namumuong sama ng loob. Nauunawaan niya namang galit lang sa kanya ang dalaga kaya nito nasabi
ang mga iyon pero iba pa rin ang dating niyon sa puso niya. Higit pa ang sakit na dala ng mga narinig
niya rito kaysa sa mga sinabi ng kanyang ama. "When I met you, I began to look at myself differently.
Kaya nang sabihin mo 'yan, para mo na rin akong ibinalik sa dati."
Nakita niya ang pagdaan ng guilt sa mga mata ni Diana. Ilang sandaling pinagmasdan niya ito. Gusto
niya itong abutin, yakapin, at halikan hanggang sa maglaho lahat ng bigat na meron sa mga puso nila.
Pero hindi niya na alam kung paano ito aabutin. Sa tagal niyang nakasama si Diana, hindi niya pa ito
nakitang nagkaganoon.
"I know that you're hurt, Diana. Isa ako sa mga dahilan kung bakit ka nasasaktan kaya naiintindihan ko
kung maging malamig ka man sa akin. But please, don't try to hurt me back by saying those things.
You should know me better than that." Nag-iwas si Alexis ng mga mata nang maramdaman ang
pamamasa ng mga iyon.
Shit, maiintindihan niya kung huhusgahan siya ng buong mundo dahil sa mga naging pagkakamali
niya. Pero ang manggaling kay Diana ang mismong panghuhusga, para iyong patalim na humihiwa sa
sugatan nang puso niya.
"Axis, I'm sorry. I just don't know what to believe anymore," narinig ni Alexis na sinabi ni Diana. Ang
sumunod na narinig niya ay ang nagmamadali nang mga hakbang nito palayo sa kanya.
Nang tingnan niya si Diana, nakita niya itong nananakbo sa hagdan paakyat. Hindi na nag-isip pang
hinabol niya ito. Naabutan niya itong papasok sana sa kwarto nito. Maagap na pinigilan niya ito sa
braso. Nakita niya ang pangingilid ng mga luha ng dalaga nang humarap sa kanya. Ikinulong niya ang
mukha nito sa kanyang mga palad. Pakiramdam niya ay sinaksak siya ng kung ano sa dibdib nang
makita ang tuluyang pagpatak ng mga luha nito.
"Bakit ka umiiyak?" marahang tanong niya.
"Dahil alam kong nasaktan kita."
Masuyo siyang napangiti. "Nah, I've suffered worst." Pero aminado akong sa dami ng mga narinig ko,
ang mga salita mo ang pinakamasakit, Diana, gusto niya sanang idagdag pero sa huli ay pinigilan niya
ang sarili.
Nagbaba ng tingin ang dalaga. Ni hindi na nito magawang salubungin ngayon ang mga mata niya.
Pero mabuti na rin iyon para hindi nito makita ang pagpatak ng luha niya.
Nasa harap niya lang si Diana. Hawak-hawak niya pa nga kung tutuusin pero hindi na ito maramdaman
ng puso niya. Pakiramdam niya, kahit hindi natuloy ang kasal ay naputol na ang koneksiyon nilang
dalawa.
"I lost you now, didn't I?"
Hindi sumagot ang dalaga. Muling napahugot ng malalim na hininga si Alexis. Pero hindi iyon
nakatulong sa kanya. Bawat segundo, pakiramdam niya ay lalong bumabaon ang sakit sa buong
sistema niya. "Nasasaktan ako hindi lang dahil sa mga sinabi mo, Diana. I'm hurting because now that
I lost you, I lost not just my best friend. Iyong ayaw kong mangyari noon, nangyayari ngayon. Hindi ko
na tuloy alam kung dapat ko na bang pagsisihan ang ginawa ko."
Walang sigla siyang tumawa. "Hindi ko alam kung dapat bang hinayaan ko na lang na magunaw ang
mundo ko kaysa ang araw-araw, makita kang ganito. Kasi Diana, pakiramdam ko, inuunti-unti ang
kamatayan ko."
Nag-angat ng tingin ang dalaga. "Alexis-"
Napailing siya. Tinawid niya ang natitirang distansiya sa pagitan nila at sinakop ang mga labi nito
habang nanatiling hindi inaalis ang mga mata rito. Nakita niya ang pagrehistro ng pagkabigla sa anyo
ng dalaga bago ito unti-unting pumikit.
Hinalikan niya si Diana hanggang sa bumalik sa dati ang normal na tibok ng kanyang puso, hanggang
sa kumalma iyon. Parati na lang yatang ganoon. Kapag nagmamahal ka, sa kabila ng pait sa puso mo,
mananatiling ang mga labi niya ang pinakamatamis para sa 'yo. Walang kasing lambot ang mga labi ni
Diana. Sa loob ng ilang sandali, hinayaan niyang malunod ang sarili sa halik na iyon. Mayamaya ay
kusa rin siyang bumitaw.
Sa paglayo niya sa mga labi nito ay para siyang bumalik sa realidad. Dahil sa muling pagbigat ng
kanyang dibdib. Nanatiling nakapikit ang dalaga. Napapagod na idinikit niya ang noo sa noo nito. "I've
been hurting all my life. You know that. Napapagod na rin ako. Gusto ko na ring bumitaw. Lalo ngayon."
Bulong niya. "But my heart is insisting that I hold on. Habang 'yong isip ko bumubulong na, 'bumitaw ka
na' iyong puso ko, humihiling at nagsasabing 'kapit pa.' Hayaan mo lang akong kumapit kahit sandali,
Diana. Hanggang sa matutunan ng puso kong bumitaw na."
"DIANA!"
Nanatiling nakapikit si Diana kahit pa naririnig niya ang paulit-ulit na pagsigaw ni Alexis sa pangalan
niya. Sinadya niyang umalis pansamantala sa bahay at magpunta sa farm nang makita niya ang binata
na abala kanina sa pakikipag-usap sa cell phone na nahulaan niyang isa sa mga kliyente nito habang
tutok ang mga mata nito sa screen ng laptop.
Ilang beses niya nang sinabihan si Alexis na bumalik na sa Maynila pero napakatigas ng ulo nito. Kaya
naman daw nitong i-monitor ang firm nito sa pamamagitan ng telepono at internet.
Hindi niya na alam ang gagawin kay Alexis. Sa loob ng dalawang linggo na pananatili nila sa bahay,
parati itong nasa tabi niya at nakaalalay sa kanya gaya nang normal na ginagawa nito noon pa man.
Spoiled pa rin siya rito. Ang pagkakaiba nga lang ay ang pagiging vocal nito ngayon sa
pagpaparamdam ng pagmamahal sa kanya.
Araw-araw, para pa ring prinsesa si Diana na pinagsisilbihan ni Alexis at sinasamahan sa pagha-
harvest ng mga bulaklak na ipadadala sa flower shops niya sa Maynila. Ito ang parating nagkukwento
nang kung ano-ano dahil hindi siya nagsasalita. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Hindi niya
rin alam kung mapagkakatiwalaan niya pa ang sariling bibig dahil nang huling subukan niyang gamitin
iyon ay nasaktan niya pa ang binata at doble ang sakit na hatid niyon sa kanya.
Hindi alam ni Diana kung anong klaseng masamang ispiritu ang sumanib sa kanya para bigla na lang
pagbintangan si Alexis. Sadyang nang magising siya at bumalik sa isip niya ang mga pangyayari, agad
na napuno ng pagdududa ang puso niya. Nahirapan siyang paniwalaan na sa hinaba-haba ng
panahon ay nagawa rin siyang mahalin ni Alexis kaya nang araw na marinig niya ang mga sinabi nito
sa ama sa cell phone, kung ano-ano nang mga nasabi niya na hanggang ngayon ay pinagsisisihan
niya pa rin dahil hindi maalis-alis sa isip niya ang rumehistrong sakit sa mga mata nito.
Alexis...
Sa kabila ng sariling iniinda, hindi pa rin maatim ni Diana na saktan ang damdamin ng binata. Pero
wala siyang magawa. Dahil alam niyang hanggang ngayon ay nasasaktan niya ito. Araw-gabi ay
ginugulo siya ng namagitang halik sa kanila ni Alexis. That was the best kiss she ever had in her life.
Pero natatakot na siyang alamin ang totoong nararamdaman. Kailan lang simula nang mangyari ang
kaguluhan sa kanyang kasal. Hindi pa siya nakahandang sumubok uli. Natatakot na siya. Hayun nga at
hanggang ngayon ay nagtatago pa siya mula sa publiko na alam niyang pinagpipiyestahan ang
nangyari sa kanya.
Ipinaubaya niya na muna sa staff niya ang pamamahala sa flower shop dahil ayaw niya na munang
bumalik sa Maynila.
Napabuntong-hininga si Diana kasabay ng pagtingala at pagbukas ng mga braso para lalo pang
damhin ang ulan sa pag-asang makakaya niyong tangayin ang lahat ng naipong pagod, galit, sama ng
loob, at sakit sa sistema niya.
"Hindi parating maaraw sa buhay ng isang tao. Darating ang ulan. Hindi mo 'yon mapipigilan. Minsan,
patak-patak. Minsan, biglaan. Isang buhusan. Kaya maghanda ka sa ulan," naalala niyang payo ng ina
noong dalagita pa siya. Hindi niya iyon naintindihan noon maliban na lang nang namatay si Yves. Ang
akala niya, iyon na ang huling ulan na mararanasan niya. Hindi pa pala.
Ilang beses na ring umulan sa buhay niya pero hindi pa siya nadadala. Hindi pa rin siya
nakakapaghanda. Mayamaya lang ay bigla siyang napadilat nang hindi na maramdaman pa ang
pagpatak ng ulan sa kanyang katawan. Sa pagmulat niya, sumalubong sa kanya ang seryosong anyo This belongs to NôvelDrama.Org: ©.
ni Alexis hawak ang malaking payong para sa kanilang dalawa.
"Nakakatakot pala ang ulan, Mommy," Minsan pa ay pumasok sa isip niya ang umiiyak na sinabi
niyang iyon sa ina matapos ilibing ni Yves. "Ayoko na. Kung uulanin ako nang ganito parati tuwing
nagmamahal ako, ayoko nang magmahal."
"Maybe Yves wasn't really the one for you, Diana. Kung para siya sa 'yo, hindi siya kukunin ng Diyos."
Masuyong sagot ng ina. "Siguro kaya siya dumating sa buhay mo ay para turuan kang magmahal.
Para sa susunod, marunong ka na. Kung hindi ka na magmamahal dahil sa nangyari, masasayang ang
pagtuturo sa 'yo ni Yves kung paano magmahal. Someday, I believe you will love again, Diana. At
kapag nahanap mo 'yong tao na handa kang samahan sa gitna ng ulan sa buhay mo, 'yong handang
mabasa kasama mo, 'wag mo na siyang pakakawalan pa, Diana."
Alexis, ikaw na ba talaga 'yon? Naisaloob niya. Baka niloloko na naman ako ni Kupido.