CHAPTER 37: Announcement Part 1
(Patty)
Isang magarbong anunsiyo pala itong magaganap sa bahay nang mga Dela Vega.
Alas-siyete na nang gabi. Kitang kita na ang mga nagkikislapang mga ilaw mula sa loob at ang malamyos na musika.
Sa labas pa lamang nang gate malalaman mo na kaagad na marami ang taong dumalo. Sobrang daming sasakyan ang naroroon na halos sakop na ang buong kalsada maging ang kasunod na kanto ng subdivision.
Akala ko'y isang simpleng pagtitipon lamang at malalapit lamang na kamag-anak at kaibigan ang darating ngunit pati media ay mayroon doon. Mabuti na lamang pala nagsuot ako nang maayos-ayos na dress ngayon para hindi naman nakakahiya. Iyon dahil suhestiyon din ni mommy na dapat presentable ang isuot namin.
"Are you ready, baby?" pukaw sa akin ni mommy.
Magkatabi sila ni dad sa unahan habang ako ay nasa backseat.
Sinabi ko sa kaniya kanina kaagad na invited kami sa magaganap na announcement nang mga Dela Vega at tuwang-tuwa naman ang mga ito. Nakagugulat nga at mabilis silang pumayag. Hindi rin pala sila pumasok sa office ngayon na talaga namang nakakagulat. Ang alam ko kasi marami pa silang dapat abyarin.
Hindi pa rin nawawala ang agam-agam sa akin tungkol sa nakita kong birth certificate pero hindi ko pa iyon binabanggit sa kanila. Gusto ko pa sana makahanap ng tamang pagkakataon bago ko sila kausapin kahit na ba puputok na ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang dahilan.
Kinakabahan ako sa totoo lang. Alam ko naman na tungkol sa nawawalang si Monique ang i-a-announce nang mga Dela Vega at alam ko rin na si Lina iyon.
Masaya ako para kela Kuya Renz at sa mommy at daddy nito dahil sa wakas natagpuan na nila ang matagal nang nawawalang si Monique.
Pero bakit nalulungkot ako? Bakit ganito, ang sakit nang dibdib ko?
Ipinilig ko ang aking ulo saka ngumiti bago tumango kay mommy. Nauna nang bumaba si dad sa sasakyan kaya sumunod na kami ni mommy.
Sa totoo lang iba ang saya ni mommy at dad ngayon lalo na nang banggitin ko ang tungkol sa announcement na magaganap ngayon. Pero ikinibit ko lamang iyon nang balikat. Baka masaya lamang din ang mga ito para sa pamilya nang mga Dela Vega.
Mabilis kaming pinapasok nang guard nang ipakita nila mommy ang invitation card na galing kay Kuya Renz na ibinigay nito sa akin kanina sa school.
"Maraming salamat po.", turan ko kela Manong guard.
Sumaludo naman ito at ngumiti sa akin.
Natawa na lamang ako sa ginawa nito. Siguro'y kahit paano natandaan ako nang mga ito.
Namataan ko kaagad ang ilang estudyanteng mga may sinasabi rin sa buhay. Naroroon ang mga ito sa garden. Naroroon din ang mga Zairin boys. Napangiti ako nang makita si Catherine at Kuya Niko na sweet na nag-uusap sa gilid. Naghanap kami nang table na bakante at doon kami umupo.
Kamusta na kaya ang relasyon no'ng dalawa. Dahil sa ilang mga nangyare sa akin nitong mga nakaraan, hindi ko na alam ang iba pang progress sa ilang Zairin na napalapit na rin sa akin.
Ang sweet lang nila tingnan habang halatang inaasar ni Kuya Niko si Catherine dahil kanina pa nakabusangot ang dalaga pero halata rin namang kinikilig sa ginagawa ni Kuya Niko.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Marami ang naroroong bisita. Iyong iba halatang mga business man dahil sa mga suot na suit nang mga ito. Ang mga kababaihan nama'y pusturang-pustura sa suot nilang gown na naggagandahan. Marahil mga business partner ito nang daddy ni Kuya Renz na si Tito Miguel.
Iyong iba naman siguro'y mga magulang nang mga schoolmates ko. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil mayayaman ang mga ito.
Sinalubong ako ng ibang Zairin boys nang makita ako ng mga ito, at talaga namang nagga-gwapuhan ang mga ito sa suot na formal attire. Aakalain mong mga modelo ito dahil sa mga tindigan at itsura. Kumaway ang mga ito bago lumapit sa table na kinaroroonan namin nila mommy.
Tumayo ako upang salubungin sila.
"Princess! Finally you're here.", agad na bungad sa akin ni Kuya James Rogers saka ako niyakap at nakipagbeso.
"Kanina ka pa namin hinihintay.", turan naman ni Kuya Yuki Akinawa.
"You look so beautiful Pat-pat." turan naman ni Kuya Vince na ikina-init naman nang dalawang pisngi ko.
"Thank you mga kuys.", nahihiyang sagot ko.
Sumunod sila Kuya Clark Kent Mindez, Kuya Carrl Smith and the others. Ganoon din ang ginawa nang mga ito niyakap ako at nakipagbeso sa akin.
Nakakatuwa. Palagi kasi nilang ipinaparamdam na ang special ako kapag sila ang kasama ko.
Hindi ko maiwasan na maglikot ang aking mga mata sa paligid.
I wonder kung nasaan si Prince
"Patty."
Napasulyap ako mula sa likod nang mga Zairin boys nang marinig ang tinig ni Lina roon.
Naririto na pala siya. Nawala ang mga ngiti ko at pormal na tiningnan siya.
Napakaganda nito sa suot na dress na kulay pula na pa-off shoulder, lalo itong pumuti. Ang mga buhok naman nito'y itinaas kaya naman kitang kita ang sexy nitong collar bone.
Kung ikukumpara ako sa kanya simple lamang ako. Hindi naman ako nag-ayos nang sobra. Nilugay ko lang ang buhok kong mas humaba na ngayon, hanggang balakang ko na iyon. Hindi ko na pala napansin na sobrang haba na niyon. Hindi ko na nagawang ipa-trim man lang.
Lipgloss at powder lang naman ang nilagay ko sa mukha ko at wala nang iba. Hindi ako sanay mag-make up.
Nagpaalam naman muna ang mga Zairin boys nang mahalata na parang may awkwardness sa pagitan namin nang dalaga.
"Doon muna kami Patty."
"Sunod ka na lang doon Princess, okay?"
Tumango na lamang ako sa mga ito.
Nagpaalam na sila saka mabilis rin naman umalis matapos magpaalam din kela mommy.
"Lina.", seryosong bati ko sa kanya matapos ang ilang segundo na katahimikan.
"Hello, Hija."
"Hello po, Tita."
Nakipagbeso naman ito kela mommy.
Nang sumulyap muli sa akin si Lina ay tinaasan ako nito ng kilay. Umiwas na lamang ako nang tingin sa kanya.
Tumabi ito sa akin.
"Bilib ako sa 'yo."
Napalingon ako sa kanya nang sabihin nito iyon.
"Dahil kahit alam mo naman ang mangyayare, dumalo ka pa rin."
"Bakit naman hindi? Invited ako nila Kuya Renz maging ang mommy at daddy niya."
"Sabagay, pero good luck na lang sa 'yo.", humakbang ito ngunit tumigil din.
Lumingon itong muli sa akin. "Gusto lang pala kita balaan. Huwag ka nang lalapit kay Prince because he is mine."
Matapos nito iyong sabihin umalis na rin. Sinundan ko ito nang tingin at doon ko nakita si Prince. Sinalubong ito ni Lina. The familiar pain kapag nakikita na magkasama sila, naroroon pa rin pala. Iniwas ko na lamang ang tingin at bahagyang tumalikod.
Napainom ako ng tubig na naroroon sa table.
"Are you okay, baby?"
"A-ayos lamang po ako mommy. Mainit lang po.", dahilan ko.
"Can I talk to you..... Patty?"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon nang binata.
Prince.
Marahan ko itong nilingon. Bumilis ang tibok nang puso ko.
Ilang segundo kaming hindi nagsasalita at nakatitig lamang sa isa't isa.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Inilahad nito ang palad. Napatitig ako roon.
"Kahit ilang minuto lang. May gusto lamang akong kumpirmahin. And ask you."
Bumalik sa mukha nito ang aking mga mata. Kitang kita ko sa mga mata nang binata ang pagsamo, punong-puno iyon nang sari-saring emosyon.
Inabot ko ang palad nito. Ang pamilyar na init nang palad nito na nagbibigay nang kakaibang pakiramdam sa buong pagkatao ko, hindi pa rin para nakalimutan nang katawan ko. Ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Iginaya ako ni Prince sa likod nang bahay nila Kuya Renz, iyong walang tao at mumunting ilaw lang ngunit sapat na para makita namin ang isa't isa.
"Err, ahmm...."
Nagtanggal ito nang bara sa lalamunan.
"About sa nangyareng sunog noon sa guess house sa tagaytay.", simula nito, saka ako tinitigan.
Napakunot noo ako. Bakit binabalik niya ang nangyare noon pa?
"Noong unconscious ka may nabanggit ka."
Lalo akong na-curious. Anong...?
"You said a name. You said I miss you..... Gelo."
Napamulagat ako sa sinabi nito. Napa-awang ang aking bibig.
"Gusto ko lang siguraduhin kong panaginip mo lang ba iyon or talagang may kilala kang Gelo."
Nakailang lunok ako nang laway. Lalong sumasal ang tibok nang aking puso. Ayokong umasa ngunit... "Yes! May kilala akong Gelo."
Kitang kita sa mukha nito ang gulat. "How do you know..... him?"
"I met him in orphanage. Siya ang palaging nagliligtas sa akin noon tuwing may nambu-bully sa akin."
"Pero..... Lina said."
"Siya ang dahilan kung bakit ako nag-paampon, kung bakit pumayag akong magpa-ampon. Dahil nangako siya, nangako siya sa'kin na magkikita kami ano man ang mangyare. Pupuntahan niya ako."
Nakangiti ko itong tinitigan. "Alam mo ba, palagi siyang nasa tabi ko noon, hindi siya aalis sa tabi ko hangga't hindi ako nakakatulog dahil takot ako mapag-isa. Noon pa man palagi na akong binabangungot kaya naman he stayed by my side until I fell asleep."
Yumuko ako. "Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin siya bumabalik. Hindi pa rin niya tinutupad ang pangako niya sa akin na magkikita kaming muli ano man ang mangyare."
Narinig ko itong humakbang papalapit sa akin kaya tinunghayan ko ito.
"I remembered. I remembered you, Patty. I'm sorry, I'm late."
Napanganga ako sa sinabi nito. Ano ang ibig niyang sabihin. Nagulat na lamang ako nang bigla ako nitong yakapin.
"I'm sorry kung ang natagalan ang pangako ko."
"Anong?"
"Ako si Gelo, Patty."Content © NôvelDrama.Org 2024.
"Teka! Paanong? How about Lina?"
"Second name ko ang Gelo at walang kahit na sino ang nakakaalam no'n. Nagkaroon ako nang amnesia dahil sa aksidente noon. Nito ko lang nalaman kela mommy nang aminin nila iyon sa akin no'ng isang beses na tanungin ko sila. About Lina, hindi ko pa siya nakakausap."
"Oh my God!"
Naiyak ako. Yumakap ako nang mahigpit sa kanya.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "I'm sorry, Patty. Please don't cry."
He is now hugging me tightly habang masuyong hinahaplos at hinahagod ang buhok ko.
"Ladies and gentlemen, good evening."
Napakislot kami pareho ni Prince nang marinig ang anunsiyo na iyon.
"Let's go. We need to see this, especially you."
Marahan akong iginiya nito pabalik sa garden kung saan magsisimula na ang mahalagang announcement nang mga Dela Vega.
Naroroon na sa mini stage ang pamilya Dela Vega. Kumpleto silang mag-anak. Tito Miguel, Tita Kelly, Kuya Renz at ang Kuya nito na si Kuya CJ.
"Everyone, gusto kong magpasalamat dahil dumalo kayo sa mahalagang pagtitipon na ito."
Kitang kita ang saya sa mukha nang mga ito lalong lalo na si Tita Kelly. Tumingin ako kay Kuya Renz na ngayo'y nakangiting nakatingin sa akin. Gumanti rin ako nang ngiti sa kanya.
"Alam ko marami ang nagtataka kung para saan ba itong announcement na ito.", pagpapatuloy ni Tito Miguel habang yakap si Tita Kelly sa beywang nito. "Matagal na panahon naming itinago sa lahat at siniguro na walang makakaalam. Hindi namin gusto na pag-usapan pa ang mga bagay na masakit para sa amin. Especially to my wife Kelly."
Binalingan ni Tito Miguel si Tita Kelly at hinalikan sa gilid nang ulo.
"She suffered a lot at hindi iyon naging madali sa kanya at sa aming lahat."
Ang tahimik nang paligid habang nakikinig ang lahat. Ramdam na ramdam sa paligid ang sakit at simpatya.
"Nawalan po kami nang anak. Renz twin sister."
Rinig na rinig ang pagsinghap nang lahat dahil sa gulat. Nagkislapan ang mga kamera at patuloy sa pagvideo ang mga taga media.
Nakita ko si Lina na sobrang lawak nang mga ngiti malapit sa mini stage.
I know she is excited. Maging ako siguro ganoon ang mararamdaman dahil finally nakita na niya ang totoong mga magulang niya.
"Yes, totoo po ang narinig niyo. We lost our daughter when she was just 4 years old and her name is Monique, Princess Monique Dela Vega. Nagkaroon nang sunog sa bahay namin. Akala namin hindi siya nakaligtas noon at kasama siyang natupok nang apoy sa loob. Pero hindi ako sumuko, kami, pinahanap ko siya and finally we found her.", masayang anunsiyo nang daddy ni Kuya Renz.
Matagal ang naging katahimikan. Umiiyak na rin si Tita Kelly maging sila Kuya Renz nakita kong nagpapahid na nang luha.
"She didn't know. Hanggang ngayon wala siyang idea na siya ang nawawala naming anak. Alam ko magugulat siya once na malaman niya pero ito lang ang paraan na naisip nang pamilya namin upang hindi na siya mailayo sa amin. "Akala namin noon ay aksidente ang nangyareng sunog pero sinadya iyong sunugin. Sinadya ring kunin ang anak namin, kinidnap siya."
"What? Oh my God!"
Nawala ang mga ngiti ni Lina.
Nag-ingay ang mga tao. Kasama na roon ang mommy at daddy ko.
Tumindig pa ang mga ito. Tumingin sa akin.
"Baby, can we go home na? Masama ang pakiramdam ko."
Napatayo ako dahil kita kong para na itong matutumba. Namumutla rin ito.
"Wait mommy? Bakit? Ano po ang nararamdaman niyo?"
"Ms. Patty Salvador."
Nagulat ako nang tawagin ako nang daddy ni Kuya Renz. Napalingon ako sa mini stage kung saan naroroon ang mga ito.
"Baby, let's go home."
Hindi na mapakali si mommy Janice. Namumutla na ito. Nagpalipat-lipat ang tingin ko rito at sa mga Dela Vega.
"Ano po ba ang nangyayare?", naguguluhan kong tanong.