Chapter 17
Chapter 17
ILANG oras nang nakayukyok si Lea sa manibela pero hindi niya pa rin malaman ang gagawin. Nasa
tabi niya ang anak na gaya niya ay tahimik lang. Nang magising ito na wala na ang ama noong
nakaraang mga araw ay hindi na ito nagtanong pa na hanggang ngayon ay ipinagpapasalamat niya.
Napakarami nang nangyari sa buhay nilang mag-ina sa loob lang ng halos isang linggo. Nag-resign na
siya sa trabaho. Ipinagbili niya rin ang bahay niya. Mabuti na lang at may dati siyang kliyente na noon
pa ay interesado na sa design niyon. Dahil milyonaryo ang nakabili ay hindi na siya gaanong
nagkaroon pa ng problema sa transaction. Mabilis na naisaayos ang mga papeles. Money had always
served its purpose when it came to those things. Noong nakaraang araw lang sila nakaalis ng bahay
na iyon kaya sa hotel sila tumuloy ng anak. Pakiramdam niya ay tuluyan na siyang mawawala sa sarili
kapag nanatili pa siya sa bahay na iyon. Ang ibang mga gamit roon ay ipinagkatiwala niya na sa
bagong may-ari.
A day after Jake left, Lea went to the nearest parlor. Pinalagyan niya ng highlights ang buhok niya.
Namili rin siya ng mga bagong damit at gamit. It was supposed to be an accomplishment. Pero wala na
siyang makapa sa puso niyang kahit na ano. Nakakamanhid din pala ang pagmamahal. Parang sa
sobrang pagmamahal, wala na siyang maramdaman. Sa lahat ng iyon ay nanatiling tahimik lang ang
anak.
Inayos na rin ni Lea ang mga dokumento ni Janna sa eskwelahang pinapasukan. Nag-usap na sila.
Gusto niya itong i-transfer sa ibang eskwelahan lalo na at plano niyang lumipat ng tirahan at gaya nang
nakaraang mga araw ay tumango lang ito.
Pero hindi niya alam kung saan pupunta. Iyon ang problema. She was desperate to be away. But she
had no place to go.
And she badly needed her parents. She had always needed them. Dahil hindi niya na alam ang
gagawin. She felt like a complete failure. Nanliliit na rin siyang humarap sa anak.
Mariing nakagat ni Lea ang ibabang labi bago unti-unting nag-angat ng ulo at nilingon ang anak. Nahuli
niya itong mabilis na nagpapahid ng luha. She felt all the more wasted. Ni hindi niya makuhang i-
comfort si Janna. She was a mother now. Iyon ang paulit-ulit na ipinapaalala niya sa sarili sa loob ng
nakaraang mga taon. She had to fight. She had to be strong because she was a mother now.
Pero paano ba kapag naubos na rin ang lakas ng isang ina? Saan ba ito pwedeng kumapit? Paano ba
kapag natatakot na rin ang isang ina? Paano ba kapag naliligaw na rin ng landas ang ina?
Sana ay pwede niyang sabihing ‘time-out’ na muna. Dahil hindi niya na kaya.
“I’m sorry, Janna. I’m sorry.” Punong-puno ng pagsisising bulong ni Lea. “Do you hate Mommy now?
Because if you do, I will understand. Because right now, I hate myself, too. I’ve always wanted to be
the best mother for you but I always fail.” Pumiyok ang boses niya. “I’m sorry that I can’t be the mother
you hoped for me to be.”
“You… are the best mother in the world, Mommy.” Namamasa rin ang mga mata na sagot ng kanyang
anak. Agad na pinunasan ni Lea ang mga pumatak ring luha nito. “And I love you. I love how you still
read me fairy tales every night even when your own king is missing. I love how you wipe my tears even
when you couldn’t wipe yours. I love how you cook for me even when you’re busy. How you comb my
hair, how you still smile even when you’re sad. I love that you’re my Mommy. And right now, even if we
seem lost,” Napalingon si Janna sa paligid. “I love that we’re lost together. Wala akong fears. Because
I’m with you, Mommy.”
Natigilan si Lea. Lumuluhang niyakap niya ang kanyang anak. Masarap pa rin pala ang maging isang
ina. Ilang sandaling nanatili lang sila sa ganoong posisyon. Naghiwalay lang sila nang makarinig sila ng
sunod-sunod na katok sa bintana ng sasakyan.
Pagharap niya roon ay napalunok siya nang makita ang mukha ng mga magulang. Dahil hindi tinted
ang salamin ng kotse niya ay malinaw sila nitong nakikita ng kanyang anak. Agad na lumabas siya ng
sasakyan. Pero bago iyon ay pinakiusapan niya na muna ang anak na huwag na munang bababa.
Nang makaharap na ang mga magulang ay agad na lumuhod si Lea sa harap ng mga ito. Inabot niya
ang kamay ng mga magulang. “Alam ko po na hindi ako naging mabuting anak. Nagkamali ako.
Patawarin n’yo po ako. For the past years, I thought you hated me. Pero ngayong isa na akong ina, na-
realize ko na ang mga magulang, hindi pala totoong nagagalit sa anak nila. Sumasama lang ang loob
nila. And they worry. They’re just as scared as their children most of the times. But they don’t show it.
Because they are trying to be strong. And they really have to be.”
Bahagyang humigpit ang pagkakahawak ni Lea sa mga kamay ng mga magulang. “Isa na akong ina.
At nasa kotse po ang anak ko. Pero lumalapit po ako uli sa inyo ngayon hindi bilang ina. Kundi bilang
anak. Nay, Tay, nanghihina po ako. Sobra. Pwede po bang makahingi ng kahit kaunting lakas? Kahit
ngayon lang po.” Napayuko siya habang patuloy sa pagmamakaawa. “Pagkatapos nito, hindi n’yo na
po ako makikita. Pangako. I just need the strength that I know only both of you can give me. So I could
pass that strength to my daughter later on. She needed one, too. Wala na po kasi akong maibigay sa
kanya. Ubos na ubos na po ako.”
Pero sa huli ay bumitaw pa rin ang mga magulang sa pagkakahawak niya. Bigong napahagulgol si
Lea. Pero nabigla siya nang mayamaya ay halos sabay pang lumuhod rin ang mga magulang sa harap
niya kasabay ng mahigpit na pagyakap sa kanya.
Nanlalabo ang mga mata sa pagluhang napatingala siya sa kalangitan. Nang maramdaman ang yakap
na iyon ay saka niya lang na-realize kung gaano katagal na pala siyang nakikipaglaban para sa isang
bagay na mula’t sapul ay imposible niya nang makuha. At pagod na pagod na siya.
Sa yakap ng mga magulang ay tuluyan na niyang isinuko ang laban.
HINDI maipaliwanag ni Timothy ang nararamdaman nang sa wakas ay matanaw niya si Lea. Nag-iisa
ito sa tulay hindi kalayuan sa farm ng mga magulang nito. Sandaling humigpit ang pagkakahawak niya
sa manibela. Papunta na sana siya sa New Zealand nang araw na iyon.
Dumaan lang si Timothy sandali sa bahay nina Lea para magpaalam sa mag-ina dahil matagal-tagal
rin silang hindi magkikita lalo na at sa ospital ng tiyuhin doon niya na gustong magtrabaho pero
natuklasan niyang hindi na doon nakatira sina Lea.
That very moment, he knew that something was wrong.
Sumunod na pinuntahan ni Timothy si Lea sa opisina nito pero natuklasan niya ring nag-resign na ang
dalaga. Pinuntahan niya rin si Janna sa eskwelahan pero nalaman niyang hindi na ito pumapasok
doon. Sa Pangasinan na siya sumunod na nagbiyahe. Ipinagpaliban niya na muna ang pag-alis. Lea
will always be more important to him than anything else.
Nag-iba man ang kulay ng buhok nito ay alam niyang si Lea pa rin ang nakikita. Kabisado niya na ang
dalaga. Ang paraan nito ng pagtayo, ng paglalakad at ang lahat-lahat ng tungkol rito. She was wearing
jeans for the first time. And a plain yellow shirt, her favorite color. Naka-rubber shoes lang din ito. Alam
niya ang kwento ng buhay nito kaya kahit paano ay napangiti siya. Finally, Timothy was seeing Lea.
And not a replica of someone else.
Bumaba na siya ng sasakyan at halos patakbong nilapitan ang dalaga. Agad na niyakap niya ito mula novelbin
sa likuran. “You should have called me.”
“Bakit pa? Papunta ka na sa ibang bansa. I didn’t want to give you any more trouble.” Mahinang sagot
nito. “Bakit ba nandito ka pa?”
“Ano’ng nangyari?” Sa halip ay ganting-tanong ni Timothy. Hindi sumagot si Lea. Bumitaw siya rito at
iniharap ang mukha nito sa kanya. “Natalo ka?”
Nag-iwas ng mga mata ang dalaga. Nagsikip ang dibdib niya nang bago iyon ay mahuli niya ang
pagrehistro ng matinding sakit sa mga mata nito. Napahugot siya ng malalim na hininga bago niya
muling iniharap sa kanya ang mukha nito. Ikinulong niya ang mga pisngi nito sa kanyang mga palad.
Wala pa siyang pahinga mula sa dere-deretsong pagbiyahe. Hindi rin siya nakahinto kahit na sandali
para kumain. He was tired. Pero agad na naglaho ang kapaguran na iyon nang makita niya ang mukha
nito. “Pag-ibig pa rin ba ‘yon? Iyong ilang beses na mas lamang na ang sakit kaysa sa saya? Iyong
wala nang kilig, puro na lungkot at pait?”
Ilang beses na nangako si Timothy sa sarili niya na hangga’t masaya si Lea, hindi siya manggugulo.
Pero nasasaktan na naman ito nang husto. Sinabihan niya na si Jake. Hindi ito nakinig. Kaya papasok
na siya sa eksena. Bahala na.
“You tried. You loved. Sapat na ‘yon, Lea. Bitaw na. Mabuti na ‘yong mawala siya sa ‘yo ngayon para
minsanang sakit. Para minsan ka lang masasaktan kaysa ang araw-araw mo nga siyang kasama at
araw-araw ka ring masasaktan. Tama na.” Sandaling napahinto si Timothy bago nagpatuloy. “Finders
keepers. I found you first. And I’m never gonna let you go again. I stayed in the sideline for years. At
hindi ko na uli ‘yon gagawin ngayon. Lea, pwede ka namang magmahal nang hindi nasasaktan.”
Namasa ang mga mata ng dalaga. “Paano?”
“Mahalin mo ako. Hindi ka masasaktan.”