Ruled by the Blaze (The Unwanted Marriage)

Chapter 88



PATRICIA'S POV (Part 1)

"Patricia! Bumaba ka na! Your friends are already here!"

I can't count how many time mom called me. Inaayos ko pa ang mga damit ko dahil ngayon kami aalis papunta sa preferred resort ni Kelvin. It's his birthday tomorrow so we'll go there to celebrate. "Tell them to wait!"

Sinipat ko na ang mga bikini at dress na dadalhin. Sabi ni Kelvin ay mag stay kami roon ng tatlong araw kaya nagpasobra na ako ng mga isusuot ko. Kilala rin ni Kelvin ang may-ari no'ng resort kaya naintriga ako kung maganda ba talaga roon. Si Jess naman, wala na ako'ng choice kundi pansinin siya. I can't really resist her. She explained everything to me when she came here last week. She admitted that she already know Callum was the owner of the land but she just pushed to recommend Callum to me because she know that I really like the land.

She also admitted that Callum didn't know that I am the buyer. Ngayon pa lang, kinakain na ako ng kahihiyan kapag naaalala ang ginawa. I left him there and overthink without knowing that Callum just took a little time for us to negotiate about the land.

What did I do? I wasted his time! That was embarrassing. I even cried in front of him!

"Patricia?"

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Jess na nakasuot ng floral dress.

"Ang tagal mo! Buti talaga ikaw ang huling sinundo!"

Inirapan ko siya. "You guys are over reacting. It's too early than the time we talked about! Madilim pa nga sa labas, oh!"

"Mahaba raw kasi ang biyahe sabi ni Kelvin!" aniya at tinulungan ako sa ginagawa. "We will use Tyrone's van. Nakakainis lang. I can't be with Austine today! Wala tuloy ako'ng ka-bebe time, kayo ni Tyrone mayroon!" "Huh?"

She gasped. "Tyrone is with his girlfriend! Ikaw naman...kasama yung guwapo na doktor. Ano nga ulit pangalan niya? Jaime? Nariyan na rin siya sa ibaba!"

Napailing na lang ako bago isinara ang bag. "He's also my friend, Jess. We supposed to go in Tagaytay today but since we're going on the beach, isasama ko na lang din siya sa'kin. He's nice. Marunong makisama..."

"Wow, kung hindi pala tayo aalis ngayon...mag da-date kayo sa Tagaytay?!" suminghap siya. "What's the real score by the way? Is he-"

Hinarap ko siya. "Don't assume anything. He's just a friend,"

Lumabas na kami sa kwarto pero hindi pa siya tumitigil sa pag-usisa.

"Talaga ba?" ngising aso niya'ng tanong. "Pero, iba yung tingin niya sayo. Pansin mo ba? Ako kasi...pansin ko!"

Hindi ko na siya pinansin at dire-diretsong lumabas. Nakapark na ang van ni Tyrone sa labas. Naaaninag ko na rin sila ni Kelvin doon. Nakatayo naman sa may gate si mommy habang kausap si...Jaime! Gosh, I still haven't formally introduced him to them.

"Oh, Pat! Here's Jaime!" natutuwang saad ni mommy. "Siya pala ang kinukwento mong kaibigan! I know his dad!"

"Really, mom? His father is also a doctor,"

"Oo, we've met before! Also his mom!" aniya at bumaling kay Jaime. "Glad that my daughter became your friend!"

"We both have goal in med school, Madame. That's why we clicked,"

Umalis saglit si mommy kaya lumabas na ako. Sinalubong ako ni Jaime ng matamis na ngiti.

"Good morning,"Content © NôvelDrama.Org 2024.

"Morning," I greeted back. "Are you ready?"

Tumango siya. "Your friends are nice" kinuha niya ang dalawa kong bag. "Let's go..."

Sabay kaming naglakad palapit sa van. Nakita kong nakaupo si Rica, girlfriend ni Tyrone sa unahan. Nginitian niya ako bago kami umupo sa pinakadulo.

"Sorry again, Jaime. Hindi tayo natuloy sa Tagaytay ngayon," paumanhin ko dahil nakakahiya parin. "I forgot about Kelvin's birthday,"

Ngumiti siya bago inilagay ang maliit na unan sa leeg ko.

"I told you, it was fine. Nakaleave na rin ako. Mas maganda nga na tatlong araw tayo roon, mas mahaba ang pahinga natin,"

Nag paalam na kami kay mommy at bumiyahe na. Magkatabi si Kelvin at Jess sa harapan namin ni Jaime at may sariling mundo. Since maaga ako'ng nagising kanina, natulog na lang ako dahil inaantok pa talaga ako. Nakasandal ang gilid ng ulo ko sa may bintana.

Nagising ako nang maramdaman ang sikat ng araw sa mukha ko. Nilingon ko si Jaime sa tabi ko at nakitang nakatingin siya sa'kin. Si Jess at Kelvin naman ay kapwa tulog din.

"Does your neck hurt?" Jaime asked.

"Uh... medyo" sagot ko at bahagyang hinaplos ang leeg. Medyo nangalay siguro kanina.

"Rest here instead," he pointed his shoulder.

Napatitig ako roon bago ngumiti.

"Thank you," I said as I rest my head to his shoulder.

I closed my eyes and fell asleep again.

Nagising na lang ulit ako sa pag alog sa balikat ko. Dahan-dahan ako'ng nag mulat at bumungad ang nakangising mukha ni Jess, katabi niya si Kelvin na nakadungaw din sa'min at kinukuhaan kami ng picture. "Gising na, lovebirds!" she said teasingly.

Nawala ang antok ko ng mapagtanto ang itsura namin ni Jaime. Nakasandal nga pala ako sa balikat niya habang siya ay nakasandal ang ulo sa head rest. Kumunot ang noo ko kay Kelvin. "Kelvin, stop the cam!"

Bumaling ako kay Jaime at niyugyog ang balikat niya para gisingin. "Hey, wake up,"

Nag mulat siya at kinusot ang mata. Si Jess at Kelvin ay nasa harap parin namin, mga nakangiti. Tumingin ako sa labas at nakitang nasa tapat kami ng isang fast food.

"Bakit tayo nandito? Malayo pa ba?" tanong ko at sinilip si Tyrone at Rica sa labas.

"Kakain muna tayo ng breakfast! Nagugutom na kasi kami kaya huminto muna si Tyrone!" sagot ni Jess. "Sabi naman ni Kelvin, malapit na raw tayo,"

"Are you hungry?" tanong ni Jaime sa'kin. "Ako na lang ang bibili ng food natin,"

"Sige, sama na ako sayo, doc!" maharot na sabi ni Kelvin. "Dito ka na lang din, Jess. Bibilhan na lang kita,"

Natawa ako sa inaasta ni Kelvin. Lumabas na sila ni Jaime, kaming dalawa na lang ni Jess ang naiwan sa loob.

"Parang ang sarap naman ng tulog mo, siz!" lumipat si Jess sa tabi ko.

"Medyo, maaga kasi ako'ng nagising kanina,"

Ngumisi siya. "O dahil malambot ang sandalan mo? Ikaw ha! Doktor din pala ang nais!"

"Jess, tumigil ka nga!" inis kong sabi.

Dito talaga siya magaling, ang mang-asar!

"Ang manhid! Don't tell me...you don't like him?"

My eyes widened. "We're just friends!"

Humalakhak siya at ipinakita ang cellphone. Nakita ko ang litrato namin ni Jaime na natutulog, isinend niya 'yon kay Austine! "What the fuck, Jess!" hinila ko ang buhok niya.

"Wait, I'll explain!" she said laughing. "He asked who's with me here! So I send to him this and also Kelvin and Tyrone's picture!"

"Pero bakit 'yon pa?"

"Siyempre magkatabi kayo. He's with Callum today for some meetings so he probably seen this photo already.... o baka ipinakita rin niya kay Calllum," "What?!"

I swear, Jess really pushing my limits! Umagang-umaga iniinis niya ako.

"What's wrong? It's either, he'll be angry when he sees this or... he will be happy for you," she chuckled. "Gusto mo ba mag kwento ako tungkol-"

"No need. Just shut up, Jess!" I said irritatingly.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Tinawanan niya lang ako.

Bakit ba ako masyado nagpapaapekto sa sinasabi niya? Wala ako'ng pake sa reaksyon ni Callum kung makita niya 'yon!

"Here's your coffee..."

Nawala ang inis ko nang dumating sila Jaime. Tinanggap ko ang binigay niya'ng brewed coffee. Umupo siya sa tabi ko at nag simula kaming kumain. Dito na lang kami kumain sa sasakyan dahil hassle kung sa labas pa. Habang nakain naman ay parang gusto kong sabunutan si Jess dahil panay ang sulyap niya samin ni Jaime tapos ngingiti! Hindi ko na lang siya pinansin.

Nang matapos kaming kumain, bumiyahe ulit kami at tumigil saglit sa isang grocery store para bumili ng ilang pagkain.

Bumyahe ulit kami at saktong alas diyes, nakarating kami sa sinasabing resort ni Kelvin.

"Grabe, ang ganda!"

Halos mabingi kami sa sigaw ni Jess. Nasa bukana pa lang kami ng resort, sa malapit lang din kami nag park. Si Jaime ulit ang nag buhat ng gamit ko. I wore my sunglasses.

"Let's so guys! Ayun na si Jugs!" sigaw ni Kelvin at itinuro ang sinasabi niya'ng kakilala na may-ari nito.

I roomed my eyes around. May mga tao sa dalampasigan. I can see the clear water from here. I suddenly had an urge to swim!

Maaliwalas ang hangin at ang ganda ng view! Ang daming puno!

"Kelvin, it's been a while!"

Niyakap si Kelvin ng lalaking matangkad na puro tattoo.

Kelvin introduced us first then we proceed on getting hotel room.

Nag pasya kami na magkakasama kaming mga babe sa isang room at hiwalay ang lalaki. Hindi naman nag reklamo si Tyrone at ayos lang din kay Jaime.

"Excited na ako mag swimming!" Jess hissed while we were fixing our things.

Maganda ang kabuuan ng room na nakuha namin. Malaki ang kama kaya kasyang kasya kaming tatlo rito. Pagkatapos ko mag ayos ng gamit, pumunta ako sa balcony at natuwa dahil ang ganda ng view. This would be great watching the sun set.

"Patricia..."

Nilingon ko si Rica na papalapit. Tapos na rin siya sa pag-aayos.

"Congrats nga pala sa clinic mo," mahinhin niya'ng sabi at ngumiti.

Tiinabihan niya ako.

"Thank you. Sa inyo rin ni Tyrone. Sa mga businesses niyo..."

I really admired their relationship. Simula no'ng college ay nakikinita ko na ang matatag nilang relasyon. They're just lowkey and both deserving to each other. Rica is so pretty with a good heart while Tyrone is hard working, I witnessed that because he's my friend for decade now.

"That guy you're with...he looks good on you..."

Nag init ang mukha ko. "Si Jaime? Kaibigan ko lang siya, Rica"

Pareho sila ni Jess mag-isip.

"Really? Hindi ka ba nagkaroon ng boyfriend sa Amerika?"

Umiling ako kaya nanlaki ang mata niya. Wala pa talaga 'yon sa isip ko.

"I understand. After what you've experienced here but...have you already forgive him?"

I saw her hesitation but I smiled. "Y-Yes..."

Kahit ngayon, naguguluhan na ako sa dapat naming maramdaman ni Callum sa nakaraan. Inaamin ko, masyado ako'ng nagpadala sa emosyon noon kaya kahit maliit na eksplenasyon ni Callum, hindi ko pinakinggan. Thanks to Jess's mouth, I got to know some of Callum's side but I felt guilty.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Girls, nag text si Kelvin. Kakain na raw tayo ng lunch!"

Sumulpot si Jess at hinila na kami ni Rica palabas. Nag palit nga pala ako ng simpleng shirt at maong short.

Sa isang open restaurant kami pumunta na malapit lang sa dagat. Ang ganda ng ambiance dito. Sinalubong agad ako ni Jaime ng ngiti at inalalayan sa upuan. Nakita ko pa ang mapanuyang tingin ni Jess at Rica dahil doon. "Are you comfortable with them?" I asked Jaime regarding the set up with the rooms.

Napaisip ako kung hindi ba siya napapagod ngumiti.

"No worries, I'm fine"

Dumating ang mga pagkain at halos kumislap ang mata ko sa mga sea foods! Tuwang-tuwa rin si Jess dahil ito ang paborito namin. Nang kumain kami, hindi ko maiwasang matuwa kay Jaime. Nahihirapan siya sa pagkain ng crabs kaya ako na ang nagtanggal sa shell bago ibigay sa kanya.

"Thank you..." he said shyly.

He's adorable though. Kahit sa ibang sea food na nasa shell ay nahihirapan siya kaya tinutulungan ko siya. Sa sobrang abala namin ay hindi ko napansin na pinanonood na pala nila kami!

"Sana all!" inggit na usal ni Jess.

Si Kelvin, Tyrone at Rica ay umiwas ng tingin pero mga nakangiti! Shit!

Bumaling na lang ulit ako sa pagkain, minsan ay bumabaling kay Jaime. Nang matapos ay umalis na kami roon at bumalik sa hotel. Nagpalamig kami at nanood ng movies pero hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

-

"Sleeping beauty is awake!"

Bungad sa'kin ni Jess. Kakalabas niya lang sa banyo at naligo, si Rica naman ay wala na rito.

"Maligo ka na. Lalabas tayo, maganda raw panoorin ang sunset,"

Tumingin ako sa labas at nanlaki ang mata. Hindi ko dapat makaligtaan ang sunset. Tumakbo ako sa banyo para maligo. Ilang minuto lang 'yon at naabutan ko pa si Jess na nag-aayos. Nag suot ako ng puting tube dress at inilugay lang ang buhok.

Nang matapos ay lumabas na kami. Nagulat pa nga ako dahil naghihintay si Jaime samin sa labas.

"Hi, there" Jaime greeted then smiled.

"H-Hi..."

"Sus...kilig ka naman?" bulong ni Jess kaya inirapan ko siya.

Sabay kaming tatlo pumunta malapit sa dagat. Napangiti ako dahil sa ganda ng papalubog na araw. Mag isa si Kelvin na nakaupo sa buhanginan habang si Tyrone at Rica ay magka-akbay sa isang swing, nakatalikod sila samin, tila may sariling mundo.

Saglit nag paalam si Jaime na may sasagutin na tawag kaya tumabi na kami ni Jess kay Kelvin.

"Tatabihan ka na namin. Mamaya, umiyak ka na sa inggit," pasarin ni Jess.

Kelvin sighed while looking at Tyrone and Rica.

"Nabuhay na lang 'yata ako para mainggit sa relasyon ng iba..."

Saglit ako'ng natawa.

"Do you already know Tyrone's plan?" Jess asked.

"Plan?" I frowned. "Tungkol saan?"

She giggled. "He's planning to propose to Rica tomorrow evening! Exactly at Kelvin's birthday!"

My eyes widened. "Wow, good for them! They deserve that..."

I couldn't hide my smile.

They truly loved each other. I'm happy for them.

Pinagmasdan lang namin ang dalawa. Ang ganda nila pagmasdan lalo na't papalubog ang araw pero may kung ano'ng kumurot sa dibdib ko. Hearing that proposal, an exact scene flashed back. When can I able to experience that? Or am I able to know what does it feel to be proposed with?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.