The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan

Chapter 10



Chapter 10

PARANG piniga ang puso ni Ansel nang makita ang basang-basang anyo ni Yalena nang sa wakas ay

buksan nito ang pinto ng banyo. Nang mga sandaling iyon ay hindi niya makita kahit kaunti mang

bakas ng kanyang dragon. Sa halip, ang nakikita niya ay ang isang batang babae na hindi sigurado sa

dapat na gawin. Fear was evident in her Latin eyes.

Gaano ba kalaki ang takot ni Yalena sa nakaraan para magkaganoon ito? Kung aaminin lang nito sa

kanya kung sino ang taong may pakana ng kamatayan ng mga magulang nito, kung sino ang dahilan

ng takot at mga bangungot nito ay hahanap siya ng paraan para matulungan ito. Todo ang pagpipigil

niyang mag-imbestiga dahil gusto niyang pagkatiwalaan siya ng dalaga at kusa na itong umamin sa

kanya. Ayaw niyang isipin nito na pinakikialaman niya ang personal na buhay nito. Pero sa oras na

malaman niya ang sinumang gumawa ng krimen sa pamilya nito ay pagbabayarin niya iyon. No one

messes with the McClennans. And he will make sure that no one will also mess with the ones they

love.

Tumayo si Ansel at maingat na niyakap si Yalena. Nanginginig na gumanti ang dalaga nang mas

mahigpit na yakap. Narinig niya ang impit na pag-iyak nito.

“I’m scared.”

“Don’t be,” masuyong sagot ni Ansel. “I’m here now.” Hindi sumagot si Yalena pero dinig na dinig niya

ang patuloy na paghikbi nito. Hinalikan niya ito sa ulo. Pakiramdam niya ay siya itong mas nanghihina

sa nakikitang estado ng dalaga.

“I can’t be your queen. Wala akong kapasidad para maging reyna,” mayamaya ay halos pabulong na

sinabi nito. “I can only be me. Ito ang totoong ako. Ganito ako kahina, Ansel. I’m this afraid. I’m this

defenseless. And if you can accept me like this, then yes, I will marry you.”

Bahagyang lumayo si Ansel kay Yalena. Pinakatitigan niya ang mukha ng dalaga. Magulo ang buhok

nito, puno ng luha ang mga mata, namumula ang ilong at bahagyang nanginginig ang mga labi. Pero

walang pag-aalinlangang masasabi niya na ito pa rin ang pinakamagandang babae na nasilayan niya

sa buong buhay niya.

She will always be his dragon… and his alone. Mas minahal niya ang dalaga ngayong pinagkatiwalaan

siya nitong ipakita ang ganoong bahagi ng pagkatao nito.

Sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon ni Yalena ay hindi niya nakikitang humina ito dahil sa pagluha.

Hindi niya rin nakikitang tumapang siya dahil lang nagkataong siya ang umaalo rito. Because she will

always be the one in control between them. Even now amidst her tears, she was controlling him. She

was controlling his heart.

“It’s all right. Queens get afraid, too. Queens get weak, too.” Isinuot na ni Ansel sa wakas ang singsing

sa daliri ni Yalena. Basta na lang niya hinagis sa kung saan ang ring box. Marahang hinawakan niya

ang kamay nito. “Sabihin mo lang kung ano ang maipaglilingkod ko para sa reyna ko at gagawin ko.”

“Pumikit ka,” namamaos na sagot ni Yalena. “Sabihin mo sa akin kung ano ang pangalan mo. Tell me

you’re different from someone I know.” Gumaralgal ang boses nito. “Tell me that you love me. And then

kiss me.”

Hindi na nag-isip pa na ipinaikot ni Ansel ang mga braso sa baywang ng dalaga bago niya ipinikit ang

kanyang mga mata. “I’m Ansel McClennan. And I’m different, Yana. I will always be. Hindi kita sasaktan

dahil mahal na mahal kita.” Hindi niya pa man natatapos ang mga sasabihin ay naramdaman na niya

ang pagdikit ng mga labi ni Yalena sa kanyang mga labi.

Naramdaman niya rin ang pagpatak ng luha nito sa kanyang pisngi. Ilang oras pa bago tuluyang

maglipat ang taon, bago tuluyang sabayan ng mga tao ang pagbabago ng taon pero para kay Ansel,

nang mga sandaling iyon ay nagsimula na ang pagbabago ng buhay niya.

HE’S ANSEL. He’s Ansel. And he’s never going to hurt you like his father. Naiiba siya, paulit-ulit na

paalala ni Yalena sa sarili habang nakatitig sa anyo ni Ansel. Nang magsimulang maglakbay ang mga

kamay nito sa kanyang katawan ay nagpaubaya siya. Nang bumaba ang halik ng binata sa kanyang

leeg ay hinayaan niya ang sariling magpatangay.

Kailangan niya iyon. Maybe once she surrenders to him completely, her nightmares will stop.

“Yalena?”

“Hmm?”

“Can I open my eyes now? I want to see you.”

“All right.” Naramdaman ni Yalena ang pagngiti ng binata sa kanyang leeg.

“Basang-basa ka na. Come.” Hinila ni Ansel si Yalena papunta sa ilalim ng shower. “Deretso na tayong

maligo.” Mapanuksong inalis ng binata ang kanyang pantulog pati na ang kanyang mga panloob. Raw

desire filled his blue eyes upon looking at her now naked glory. Isinandal siya nito sa dingding ng

banyo habang patuloy sa paglagaslas ang tubig. Hinaplos ng mga kamay ng binata ang kanyang mga

pisngi pababa sa kanyang leeg at mga balikat hanggang sa kanyang mga dibdib.

Nahigit ni Yalena ang hininga. Iniwasan niyang maipikit ang mga mata sa matamis na sensasyon na

dulot ng mga maiinit na kamay ng binata. This time, she wanted to see Ansel and not Benedict. This

time, she wanted to truly grasp the fact that the man beside her was the one she loved and the one

who loved her back. Tumaas-baba ang Adam’s apple ng binata. Nanatili ang isang kamay nito sa

kanyang kaliwang dibdib habang ang isa naman ay dumausdos pababa sa kanyang sikmura at pababa

pa.

“God, Yalena… Are you real? How can someone be so perfect?”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gumuhit ang sinserong ngiti sa mga labi ni Yalena. Inilayo niya ang

mga kamay ng binata sa kanyang katawan. Nang huhulihin sana siya nito ay mabilis na umiwas siya at

humakbang paatras dito. “So… are you telling me you don’t want this?” Pilyang tukoy niya sa kanyang

katawan.

“Are you kidding me?” Pinaglakbay ni Ansel ang mga mata sa kahubdan ni Yalena bago nito mabilis na

inalis ang mga damit nito. “Bagong Taon na pero pakiramdam ko, Pasko pa rin. Dahil ngayon ko pa

lang matatanggap ang regalo ko.”

Nang tatakas na sana si Yalena ay mabilis siyang napigilan ni Ansel sa kanyang baywang. Natatawang

kinagat siya nito sa kanyang balikat. “You naughty queen. You are enraging the king.”

Idinikit ng binata ang katawan nito sa kanyang likod. Naglaho ang ngiti ni Yalena nang maramdaman

ang naghuhumiyaw na pagkalalaki ng binata sa kanyang balakang. Napalunok siya. “Ansel…”

Hinalikan siya ng binata sa kanyang batok. Eksperto ang mga kamay na muli iyong nagtungo sa

kanyang mga dibdib. “These jewels… they’re just mine, baby. Just as I am yours.”

Mariing nakagat ni Yalena ang ibabang labi nang mapanuksong laruin ni Ansel ang korona ng kanyang

dibdib habang ang isang kamay nito ay nagpatuloy sa pananaliksik sa kanyang katawan. Bumilis ang

kanyang paghinga nang makarating ang kamay ng binata sa pagitan ng kanyang mga hita.

“And this beautiful thing down here is mine, too, Yalena.”

That morning, Ansel made love to her over and over again. He made Yalena memorized the parts of

her body that he said belong to him. Buong araw silang nagkulong sa kanyang kwarto. Nang magising

siya ay eksaktong alas-dose na at nagpuputukan na sa paligid. Nilingon niya ang binatang nakayakap

sa kanyang baywang. Parang naalimpungatan din ito dahil sa mga ingay mula sa labas.

Ngumiti si Yalena. Hindi niya alam kung bunga lang ng pagod o dahil kakaiba ang saya niya sa araw

na iyon kaya sa kauna-unahang pagkakataon mula nang mapalapit siya kay Ansel ay maganda ang

kanyang gising.

“Hindi na tayo nakapagpaputok.”

“Sus. `Yon lang ba ang problema?” Pilyong ngumiti si Ansel.

Bago pa niya mahulaan ang iniisip ng binata ay mabilis na itong pumaibabaw sa kanya. Bumulaga sa

kanya ang makisig na katawan nito at ang bahaging iyon na para bang handang-handa na uli para sa

kanya. Natawa siya. The entire day that she spent with him was the most beautiful day of her life. Ansel

made her feel like the loveliest woman alive.

Mayamaya ay pilya rin siyang napangiti. Pareho silang hubad nang mga sandaling iyon. Mukhang

makakatipid siya ng damit kapag kasama ang binata dahil hindi na raw nila kakailanganin ang

anumang kasuotan kapag sila lang dalawa.

“Ansel, aren’t we supposed to be at the kitchen?” alanganing sinabi ni Yalena nang masalubong ang

pamilyar na nag-aalab na kulay-dagat na mga matang iyon ng binata. “Aren’t we supposed to be eating

right now? Aren’t we supposed to watch the fireworks display?”

“Yeah but baby…” Isinubsob ng binata ang ulo nito sa kanyang dibdib. “We could do all those things

right here, right now. We can eat, celebrate, and have our own fireworks right at this very moment.”

Ansel sucked her nipple. “See? I’m eating you now. All of me feel like celebrating. And later, baby, we’ll

both explode. Isn’t that more amazing that those fireworks display you were talking about?” Dumeretso

ang kamay ng binata sa kanyang sikmura. “Besides, what we have here can last longer than those

fireworks. Because after this, baby, we can do it over and over again.”

Mahigpit na napakapit si Yalena sa mga balikat ng binata nang marating ng kamay nito ang sentro ng

kanyang pagkababae. When they both reached their climax, amidst her exhaustion, she still managed

to giggle upon hearing Ansel shout.

“Happy New Year, everybody!”

“You’re crazy, Ansel.”

“Right. Crazy for you, baby.”

Three months later

“I’M SORRY. I’m so sorry. Alam kong naparito ka para maningil. Nang magsimulang dumating sina

Clarice at Maggy, alam kong ilang panahon na lang ang bibilangin bago ka rin magpakita. If you’re just

using Ansel against Benedict, please stop it. Ako na lang, Yalena. Sa akin ka na lang bumawi,” garalgal

ang boses na pakiusap ni Alexandra. “Tutal, ako naman ang may kasalanan. I knew everything but I

kept my mouth shut. Dahil natakot ako.”

Tuluyan nang lumuha ang matandang babae. “I was afraid my sons will suffer. Natakot din akong

makulong si Benedict. Wala akong maibibigay na rason na magpapagaan sa loob mo. I was just being

a mother when I did that. I was also being in love.” Lumuhod ito at mahigpit na hinawakan ang mga

palad niya. “I’m sorry.”

Napatitig si Yalena sa anyo ni Alexandra. Parang tumanda ng ilang taon ang edad ng babae kompara

sa alam niyang tunay na edad nito. Napahugot siya ng malalim na hininga. Noong nakaraang Pasko ay

nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap nang masinsinan ni Austin. Kay Austin niya nalaman

na noong hindi pa ganoon kalala ang kondisyon ni Benedict ay nagawa pa nitong mangumpisal ng

lahat ng mga kasalanan nito kay Alexandra noong umuwi ang huli sa Pilipinas kasama ang mga anak

nito. Si Alexandra, ang siyang nag-aalaga kay Benedict, ang nagsilbing human journal nito.

Siguro kung nagkataong hindi umiibig si Yalena kay Ansel ay hindi niya magagawang maunawaan ang

pinanggagalingan ni Alexandra. Siguro ay mas lolobo ang galit niya dahil kung nagsalita lang ito noon

ay marami ang pwedeng mangyari. Dahil walong taon pa lang ang nakalilipas buhat niyon ay posible

pang masampahan ng kaso si Benedict, posible pa nitong pagbayaran ang mga kasalanan nito. Hindi

pa tuluyang naisasara ang kaso noon hindi tulad ngayon na lampas isang dekada na ang nakalipas.

Kung sakali ay mahihirapan na siyang maihabol pa iyon sa korte. Bukod doon ay may sakit si Benedict.

Pinagmasdan ni Yalena si Benedict na nasa tabi ni Alexandra. Naka-wheelchair ang matandang lalaki

at kay layo ng tingin nang mga sandaling iyon.

Nanuyo ang lalamunan niya. Mahigit labing-anim na taon niyang inasam na makaharap ito. Humpak na

ang mga pisngi nito at kay laki ng ipinayat. Kung hindi dahil sa mga mata ng lalaki na kaparis na

kaparis ng sa mga anak nito ay hindi niya ito halos makikilala. Hindi niya alam kung saan siya humugot

ng tapang para mag-isang pumunta sa Olongapo. Dumeretso siya roon pagkagaling niya sa ospital.

Ipina-sketch ni Yalena kay Maggy ang direksiyon papunta sa rest house na iyon dahil hindi niya na

gaanong saulado ang address na binanggit sa kanya noon ni Ansel. Alam niyang kailangan niya nang

harapin si Benedict para matuldukan na sa wakas ang nakaraan para kay Ansel na nakatakda niya

nang maging asawa sa susunod na buwan at para sa munting buhay na nasa loob ng kanyang

sinapupunan.

Nasorpresa pa si Yalena dahil walang kahirap-hirap na nakapasok siya sa rest house matapos niyang

ipaalam sa mga bantay na gwardiya roon ang kanyang buong pangalan. Dinala siya ng nag-assist sa

kanyang kasambahay sa enggrandeng sala kung saan naroroon sina Alexandra at Benedict. Pagkakita

sa kanya ni Alexandra ay agad na sumabog ang mga emosyon nito.

“Tumayo ka na, Alexandra. I can’t stand to see my baby’s grandmother kneeling down before me.”

MALAKAS na napasinghap si Alexandra at nanlaki ang mga mata.

Bahagyang napangiti si Yalena. Inalalayan niya sa pagtayo ang matandang babae. “Benedict took two

lives away from me. I admit, for almost two decades, all I wanted was to avenge. Hanggang sa

makilala ko si Ansel. Dapat magalit ako, `di ba?” Nagkibit-balikat si Yalena. “Dahil kamukhang-

kamukha niya si Benedict. Pero iyong carbon copy na ‘yon ni Benedict, minahal ako nang sobra-sobra.

And you know what I realized? Ang pusong nasugatan, nasaktan, at nawalan, ang pusong puno ng

galit at pait ay isa lang pala ang kailangan. Iyon ay isa ring puso na handang tumanggap dito, pusong

kayang mahalin ang isa pang puso sa kabila ng mga negatibong nadarama niyon. A loving heart can

heal a scarred heart.

“Mahal ko si Ansel, Alexandra.” Hinawakan niya ang mga kamay ng matandang babae. “When

Benedict took two lives away from me, his eldest son came to my rescue. Maybe Ansel came sixteen

years late but what matters… was the fact that still, he came. He created a new life. And that life was

now inside my womb.” Nangilid ang mga luha ni Yalena.

Ilang araw nang hindi maganda ang pakiramdam niya. Maski ang fiancé na si Ansel ay madalas niyang

mapag-initan at mapagsungitan. Kaya nang araw na iyon ay nagpunta siya sa ospital at nagpatingin sa

isang ob-gyne. Doon niya napag-alamang nagdadalang-tao siya.

“I’m seven weeks pregnant. And please, don’t tell Ansel about this yet. Magagalit ‘yon kapag

natuklasan niyang hindi siya ang unang nakaalam. You know how child-like your son can be

sometimes.”

Kasabay ng pagtawa ni Alexandra ay ang pagtulo ng mga luha nito. Muling hinawakan nito ang mga

palad ni Yalena. “Thank you, Yalena. Thank you so much—”

“No,” napailing si Yalena. “I should be the one to thank you. Because you were able to raise your sons

so well. Alam mo bang parati akong binabangungot noong bumalik ako sa bansa? But when I finally

accepted Ansel in my life, for the first time, I started to have real dreams.” Parang nangangarap na

ngumiti siya. “Bihira na akong magkaroon ng mga bangungot ngayon. And I owe that to your son’s

love. Totoong mahirap tanggapin ang mga rason na ibinigay n’yo pero ilang buwan na lang at magiging

ina na rin ako.

“And as early as now, there are some things that I planned to hide from the baby. Gusto kong itago sa

kanya ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko. Dahil tulad ng ginawa mo sa mga anak mo,

gusto ko ring protektahan ang magiging anak ko mula sa katotohanan.” Hinaplos ni Yalena ang pipis

pang tiyan. “Because the truth always hurts.”

Muling sinulyapan ni Yalena si Benedict. Naroroon pa rin ang pamilyar na kirot sa kanyang puso pero

hindi na iyon kasintindi nang dati. Ngayon ay malinaw niya nang nauunawaan ang punto nina Maggy at

Clarice noon. Base sa nakikita niyang sitwasyon ng matandang lalaki, totoo ngang nakaganti na sila

rito. Kapalaran na ang kusang nagpataw ng kaparusahan para sa kanilang tatlo, para sa mga squatters

na naagrabyado rin nito noon.

Sa naisip ay naalala niya si Dennis pati na ang mga napag-usapan nila nito matapos ang Bagong

Taon. Sinadya niya si Dennis sa opisina nito para maging pribado ang kanilang pag-uusap. Content bel0ngs to Nôvel(D)r/a/ma.Org.

“I don’t think I would have to hear you confirm the truth, Yalena. It’s written all over your eyes.”

Napayuko si Yalena. “I’m sorry, Dennis.”

“So the dragon fell in love with the shark. I pity the dragon. Hindi niya pa kabisado ang ugali ng pating.

Paano kung bigla na lang siyang atakihin nito? Because the dragon is in love with the shark, even if the

shark attacks her, she wouldn’t dare throw fire, would she?”

“She wouldn’t. Because the dragon trusts the shark.” Dahan-dahang nag-angat ng ulo si Yalena. “She

was comforted by the truth that the shark loves her back. Mahal ako ni Ansel, Dennis.”

“Talaga?” Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Dennis. “Hindi ba’t nagmahal din si Benedict

McClennan noon? Pero saan nga ba humantong iyon? Hindi ba’t sa kamatayan? Because of

Benedict’s ‘great’ love for Carla, Clarice lost her father. Nabaliw si Carla. Namatay ang mga magulang

mo. Hindi ka na natuto, Yalena.” Pumalatak ito. “Akala ko pa naman matinik ka.”

“Mali ka. Natuto na ako.” Pinilit niyang ngumiti. “Kaya nga na-realize ko na may mga bagay na mas

mabuti nang ibaon sa limot.”

“May mga bagay na pagsisisihan mo kung basta mo na lang ibabaon sa limot, Yalena.” Tumayo na si

Dennis at lumapit sa pinto. “`Wag kang mag-alala, makakalaya ka na mula sa kasunduan natin. Hindi

masama ang loob ko. But I admit I was really disappointed. Makakaalis ka na, Yalena.”

“Dennis, Benedict is really sick,” giit ni Yalena sa pagtayo niya. “Tumigil na tayo. Tumigil ka na.”

Nagkibit-balikat ang lalaki. “Hayaan mo, gagayahin kita. `Di ba ilang araw kang nawala noon? I will also

do some soul-searching. And who knows? Baka sa pagbalik ko, magbago rin ako? Until then... I

advised you not to trust too much. Disappointment always hurts, and oh, betrayal, too.”

Napailing si Yalena. Iniwan niya na lang ang binata kaysa pahabain pa ang pag-uusap nilang wala

namang patutunguhan. Pero gusto niyang paniwalaan na isang araw ay posible ngang matutunan din

ni Dennis ang magpatawad at lumimot tulad ng ginawa niya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.