THE LAST WOLF PRINCESS

Chapter 10



Naglalakad si Polina sa daanan na walang katao-tao. Hindi niya alam kung saan pa siya punta. Hindi niya namalayan ang pag-sapit dilim at ang paglitaw ng bilog na buwan. Kaya naman ng mapatingin siya sa kalangitan ay bigla na lang siyang nakaramdam ng sakit sa buo niyang katawan at nagsimula ang kanyang pagpapalit anyo. Sa loob ng kakahuyan ay tumakbo siya upang makapagtago, at nang hindi siya makita ng mga tao.

"Polina nasaan ka na!" mariing tanong ni Hyulle sa kanyang sarili habang sinusuyod ang buong kagubatan at noo'y naisip nitong kung naririnig lang sana ni Polina ang isipan nito ay hindi niya pipiliing lumayo sa piling ng lalaki. Nang mga oras na iyon ay naroon si Polina sa likod ng isang puno sa anyong wolf.

Malaki siya kaysa sa karaniwangwolf, may mapuputi at makikintab na balahibo sa kanyang katawan. Kumikinang ang buntot nito, tanda na hindi siya pangkaraniwang Wolf. Napahinto naman si Hyulle no'ng makita nito si Polina sa ganoong kaanyuan. Tila hindi nakakakilala sa kanya, ang isang malaking nilalang sa kanyang harapan.

Alam ni Hyulle na hindi siya makilala ni Polina sa ganoong anyo dahil sa hindi pa lubos ang lakas niya, at wala pa siyang kakayahang magbalik anyo sa sarili niyang lakas. Mahina si Polina sa kapangyarihang tinataglay ngunit ang lakas niya bilang isang wolf ay masagana.

Ninintay ni Hyulle ang pagsapit ng pag-uumaga, hindi naman kumikilos si Polina, nakaupo lamang siya sa ilalim ng malaking puno, hanggang sa mag-umaga.

Pasado alas-nuebe na nang magising siya. Nagulat siyang nasa loob na siya ng isang magandang silid. Marahan siyang bumangon, ramdam niyang masakit ang buo niyang katawan, hindi iyon tulad ng dati noong unang nagpalit siya ng anyo, ngunit ang naalala niya ay doon lamang sa panahong napatingin siya sa bilog na buwan.

"Anong nangyari? Bakit ako nawalan ng alaala sa mga panahong nasa anyong Wolf ako?"

"Iyon ay dahil mahina ang pisikal na pangangatawan mo," nagulat pa siya ng makita si Hyulle na kasandal sa pader ng silid na kinaroroonan niya.

Nagulat siya, agad niyang nasilip ang kanyang sarili sa loob ng kumot na nakatabing sa buo niyang katawan. Tulad ng dati ay hubad na naman siya. "Anong ginawa mo sa 'kin? Bakit narito ako?" nakakunot ang noong tanong niya sa lalaki at pairap niyang muling tinapunan ng tingin ang binata.

"Wala naman akong masamang ginawa sa iyo, pero ngayong gising kana, maybe, may gagawin na ako." Lumakad ito papalapit sa kanya.

Nakadama naman siya nang matinding kaba, kaya naman napaatras siya sa kama."Anong binabalak mong gawin sa akin?" maangas niyang tanong sa lalaki.

"Bakit? Natatakot ka ba? Isa kang Lobo, hindi ka dapat natatakot, malakas ka dapat, sa isip, sa katawan, at sa kapangyarihan," sabi nito.

"Alam kong mahina ako, pero para saan ba ang sinasabi mong lakas? Bakit kailangan kong maging malakas? Dahil ba may mga nilalang na nais akong saktan? Tulad mo? O nila Fillberth?" paniniguro pa niya kay Hyulle.

Sa pagkakataong iyon ay ayaw na niyang magtiwala sa lalaki. Hindi na niya masiguro kung ano pang makakaya nitong gawin. Basta ang alam lang niya ay kaya nitong manakit ng mga nilalang na gaya niya.

"Hindi totoo ang mga iniisip mo sa akin," sambit ni Hyulle na tila nais baguhin ang mga bagay na iniisip niya.

"Ano bang dapat kong isipin? Na mabuti kang nilalang? Matapos mo ipakita sa akin ang lahat ng mga nasaksihan ko?" sumbat niya sa lalaki.

"Sa ngayon ay hindi ko pa pwedeng ipaliwanag sa iyo, pero ang gusto ko--"

"Iyon! Iyong gusto mo ang palaging masusunod, na para bang pagmamay-ari mo ako!" nasabi niya sa lalaki ng pasigaw.

Nagulat ito at napatingin sa kanya, nakita ni Hyulle ang mga nag-uunahang likido mula sa kanyang mga mata. Nakadama ang binata ng lungkot sa puso nito, na tila ba kinukurot na rin siya. Napahawak ito sa dibdib na tila ba nakaramdam ng matinding sakit. Nagulat naman si Polina sa nagaganap sa binata.

"B-bakit? Anong nangyayari sa iyo?" nag-aalala niyang tanong sa binata.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Nilapitan niya ito at hinawakan sa likod. Ngunit nagulat siya dahil mabilis siyang tinulak ni Hyulle. At sa ikalawang pagkakataon ay nakita niyang muli ang mga pangil nito, at mga mapupulang mga mata. Na tila ba nawawala na naman sa sarili. Pinakatitigan niya ito sa mukha, at hindi niya rin alam sa kanyang sarili dahil tila ba nawala ang takot niya.

Napailalim siya sa lalaki at nakaibabaw ito sa kanya, tukod nito ang dalawang kamay upang hindi tuluyang bumagsak ang mukha nito sa kanya.

Nakatitig lamang ito sa kanya, hanggang sa mawala ang mapupulang mga mata nito, at unti-unting naging malumanay. Sa ilang sandali ay isang pares ng malamlam na mga mata ang nakatitig sa kanya. Humihinga ito ng mabilis, maihahalintulad niya sa malakas na hangin ang paghabol nito ng hininga.

Habang nakatitig lang sa mga mata niya. Para naman siyang nasisilaw na nag-iba ng direksiyon. Hindi na niya kaya pang salubungin ang mga titig nito. Hindi niya alam kung bakit, pero para siyang napapaso sa mga tingin nito na hindi niya alam kung saan ba ang kahahantungan ng posisyon nilang iyon."Umalis ka na riyan," matapang ang tinig na utos niya sa lalaking noo'y nasa ibabaw niya.

Alam niyang sa pagkakataong iyon ay nasa kanya ang kapangyarihan upang tumangging ibigay ang ninanais ng isang lalaking mayroong mga matang nakikiusap. Marahang umalis si Hyulle sa kanyang ibabaw, narinig niya ang malalim na buntong hininga nito at tinangka niyang tumayo.

Ngunit nagulat siya ng hilahin ni Hyulle ang isang kamay niya, at mabilis siyang ikinulong sa bisig nito. "Hyulle! ano ba!" sambit niya sa binatang yumayakap sa kanya ng mahigpit ng mga sandaling iyon. "Hindi ko ba pwedeng gawin ito?" mariin ngunit mahina ang tanong ni Hyulle sa kanya. "Hindi ko ba pwedeng damhin kung may pag-ibig akong nadarama sa iyo? Kinakailangan kong alamin mismo sa sarili ko!"

"Tapos ano? Kung wala, gagawin mo na ang nais mo? Kung masiguro mong wala kang pagtingin sa akin, pakawalan mo na ako!" sambit muli ni Polina sa lalaking noon din ay naguguluhan sa sariling damdamin. "Nalilito ako Polina, kamakailan lang ay nalaman kong ikaw ang Mate ko, ang itinakda ng asul na buwan para sa akin," sambit pa nito habang mahigpit pa rin siyang niyayakap.

Nagulantang siya sa kanyang narinig."Mate?" paanas niyang tanong. Halatang hindi niya iyon maunawaan, lahat sa kanya ay bago, bago sa pandinig niya ang mga bagay na nagaganap sa kanya. Lahat ay hindi pa niya magawang tanggapin sa kanyang sarili.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Ipagpaumanhin mo, pero lahat ng lalaking Werewolf ay may nakatakdang babaeng Werewolf, at dumarating iyon sa sandaling mag-asul ang puting buwan, kapag naganap iyon na may babaeng werewolf sa aming tabi o malapit sa amin, iyon ay nangangahulugang iyon ang Mate namin," paliwanag pa ng binata.

Siya naman ay nagulat, ngunit nanatili lamang siya sa kanyang pagkakatayo. Nanatili sa isip niya ang mga pagdududa at nababatid iyon ni Hyulle. "Pumayag kang makipagsiping sa akin," mahinang salita ni Hyulle.Content © NôvelDrama.Org 2024.

Napamaang naman siya sa lalaki. Tumigas ang katawan niya tanda ng pagtutol. Kahit na alam niyang werewolf pala siya, nanaig pa rin ang katuruan at kaisipan ng pagiging tao sa kanya. "Ano? Nalalaman mo ba ang mga sinasabi mo?" tanong ni Polina.

"Oo, sa ganoong paraan, ay maibabahagi ko sayo ang lakas na meron ako, maririnig mo na rin ang mga iniisip ko, maging ang tinitibok ng puso ko, malalaman mo kung may binabalak akong masama sa iyo," sambit ng lalaking si Hyulle. Ngunit itinulak niya ito ng lakas, at mabilis na tumakbo palayo rito. Napunta siya sa kabilang bahagi ng silid. Ngunit nang lumingon siya ay nasa likod na niya kaagad ang binata. Sing bilis ng hangin si Hyulle, at sing lakas ng rumaragasang malaking bato. Doon niya naikukumpara ang nilalang na ito na nagnanais na makasiping siya.

"Hindi ko ibibigay sa iyo ang pinakaiingatan ko Hyulle, hindi maari!" mariing sambit ni Polina. Dahil nangako siya sa kanyang sarili na hindi siya matutulad sa kanyang ina na pinagsamantalahan ng malakas at naiibang nilalang. "Polina, tanggapin mo sa sarili mo na hindi ka ordinaryong tao, at ako lang lalaking para sa iyo, ako lang makapagliligtas sa iyo!"

"Alam ko rin, na ikaw ang pwedeng pumatay sa 'kin." sambit ni Polina. Natigilan naman si Hyulle sa narinig niya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.