CHAPTER 3- HINDI INAASAHANG PAGPAPALIT ANYO
"Ahm..." Tumikhim siya upang maramdaman ng binata na nakalapat pa rin ang mga braso nito sa kanyang balikat. Napapahiya namang tinanggal ng binata ang kamay nito na nakapatong sa kanyang balikat. "Aham... A... sige na po aalis na po ako, Manang pakihanda naman po yung mga dadalhin ko, at pakilinis ang kwarto ko," sabay baling nito sa kanya. Siya naman ay bahagyang nagtaka kung bakit tila pinagtakpan siya nito sa mga mapanghinalang tanong ng mga matatanda.
Bago umalis ang binata ay ipinatawag siya nito sa isa sa mga katulong din doon na si Ate May." Oy Polina, pinapatawag ka ni Sir, doon sa kotse niya, pakibilis raw dahil aalis na siya."
Siya naman ay mabilis na tumungo sa malapit sa gate dahil naroon na ang kotse nito. "Sir ipinatawag mo raw ako?"
"Oo, mamaya ay full moon na p'wede bang huwag kang lumabas ng bahay?" seryoso nitong bilin sa kanya.
Siya naman ay napatawa bigla. Paano ba nito naisip na full moon mamayang gabi. "Huwag kang tumawa! Pinagbibilinan kita," seryosong sabi nito sa kanya. Na ikinabigla naman niya, hindi niya akalaing kay bilis magbabago ng mood nito. Agad na romihistro sa mukha nito ang seryosong ekpresyon.
"Ah, S-Sir kasi po, m-may klase po ako ng alas-siyete ng gabi sa unbersidad na pinapasukan ko." Yumuko siyang bigla upang hindi na siya mapagalitan nito.
"Mag-absent ka muna, at bukas ng umaga magpunta ka sa HR para ipabago ang schedule mo," sabi pa nito at narinig niyang binukasan nito ang makina ng kotse.
Nagsimula na itong magmaniobra, na hindi manlang siya hinintay na makapagsalita. Napapasimangot niyang sinundan ng tingin ang likod ng kotse nito, at napapabuga siya ng hanging na tumalikod na lang din.
"Ano bang akala niya sa sarili niya? Ba't ko siya susundin?" pasinghal pa niyang bulong sa kanyang sarili. Nakita naman siya ni Manang Martha.
"Polina," tawag nito sa kanya.
Bahagya lang siyang nagulat dahil alam naman niya na parating ito at tatanungin kung anong sinabi sa kanya ng kanilang amo. "Anong sinabi sa'yo ni Sir Hyulle?" gaya nga ng narinig niya sa isipan nito, iyon ang tinanong nito sa kanya. "Wala po iyon, magsara daw po ng mga gate at mga pintuan mamayang gabi, full moon daw po kasi," pag-iiba niya sa sinabi ng binata. Tapos ay umalis na uli siya upang ipagpatuloy ang kanyang mga naudlot na trabaho.noveldrama
Hindi niya sinunod si Hyulle sa bilin nito. Pasado alas-sais ng gabi ng umalis siya ng mansiyon. Alam naman kasi ng mga ito na nag-aaral pa siya ng kolehiyo.
PUMASOK na siya sa night class nila ng gabing iyon, nagtataka siya dahil may napapansin siya sa kanyang sarili, iyon kasi ang unang gabi na pumasok siya sa kanyang paaralan ng gabi na.
Dahil kinailangan niyang magtrabaho sa mansiyon, kaya nagpalipat siya sa pang gabing klase. "Polina, kamusta mabuti nagkita tayo!" sigaw sa kanya ni Jubel isa sa mga kaklase niya.
"O ikaw pala, kumusta? Bakit nasa night class ka?" nagtataka niyang tanong sa kaibigan.
"Kasi, ayokong malayo sa iyo," sabi nito. Ngunit alam niyang iba talaga ang dahilan ng pakikipag kaibigan nito sa kanya. Dahil ang tunay na sinasabi ng isip nito ay dahil wala na itong makokopyahan. Napailing na lamang si Polina. Sobra talaga ang mga pure na tao, maraming kasamaan ang itinatago. Hindi pa niya alam kung ano talaga siya, ng mga sandaling iyon. Pero ang alam niya ay may kakaiba sa kanya. Ang gabing iyon ang unang full moon sa pagtuntong niya ng twenty years old. Kaya hindi niya mawari kung bakit tila nangangati siya kaninang pagligo niya. Nakakita siya ng mga pula-pulang pantal sa balat niya. Kaya naman hindi siya nag suot ng uniform, mabuti na lang at allowed naman mag jacket at jogging pants ng araw na iyon.
"Bakit ngayon lang kita nakitang hindi naka-uniform?"
"Ha? W-wala, hindi ko pa kasi nalabhan ang uniform ko," pagdadahilan na lamang niya. "Dapat pala ilibre mo muna ako, para pakopyahin kita ng assignment ko," nakangisi niyang sabi sa kay Jubel, para maiba ang usapan nila. Tutal naman ay alam niyang ang tunay na rason nito sa paglapit sa kanya, sinasakyan na lamang niya at ginagawang taga libre ang babae.
Naisip niyang wala na ring libre sa mundo. Naghihirap sila sa pera, kaya naman kung minsan ay napapakinabangan niya ang kakayahan niya sa iba, at sa mga taong gustong magsamantala.
IKA-SIYAM nang gabi na siya nakalabas ng school nila, at habang pauwi na siya ay nakita nga niyang full moon ang nasa mga ulap. Wala ring ulap na tumatakip rito. Naalala niya ang bilin ni Hyulle na huwag siyang lumabas. Nasinagan siya ng liwanag ng buwan.
Ang liwanag na iyon ay kanyang natitigan. Nagulat siya ng makadama siya ng matinding sakit, tila nababanat ang mga buto niya sa katawan, napatakbo siya sa bahaging mapuno ng kalsadang binabagtas niya. Mabuti na lang at madilim doon, tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw. Nagpatuloy ang pagbabago sa kanyang pisikal na anyo, tumubo ang mga kuko sa kanyang mga paa at kamay, maging ang mga mapuputing balahibo, at ang maitim niyang buhok ay pumuting lahat. Ngunit habang nagaganap sa kanya iyon ay sobrang sakit naman ng kanyang pakiramdam. Parang nababali ang mga buto niya sa katawan at napupunit naman ang balat niya. Naiiyak siya at napapasigaw dahil sa tindi ng kirot na kanyang nararamdaman. Hindi siya makapaniwala na magiging ganon siya sa mga oras na iyon, at ilang sandali pa ay nasilayan niya ang anino ng isang mapakalaking aso. Isang wolf!
Isang putting wolf, malaki siya at makinang ang kanyang mga balahibo, at sa ilalim ng putting buwan ay umalulong siya, at tumakbo sa mapupunong lugar ng nasabing siyudad. Mabuti na lang at may ilan pang kapunuan ang malapit sa lugar na iyon na kanyang napagkublihan.
"Anong nangyari sa akin?" tanong niya sa kanyang sarili. "Bakit ako naging ganito? Bakit ako naging isang wolf?" Tumatakbo siya sa kagubatan ng ilang oras at paikot-ikot lamang sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung paano siyang makakabalik sa dati niyang anyo. Basta ang alam niya ay hindi siya maaring makita ng ibang tao. Kinakailangan niyang makabalik sa mansiyong pinagtatrabahuan niya.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Naglakbay si Polina sa pamamagitan ng pagtalon-talon sa mga puno, natuklasan niyang napakagaan lamang ng kanyang pangangatawan kapag nasa anyong wolf siya. At napakabilis niyang kumilos, at maging ang pandinig, pang-amoy, paningin at pakiramdam niya ay naging triple ang talas.
Malayo pa lamang siya ay nakikita na niya na ang tanging gising na lamang sa mamsiyon ay ang silid ng amo niya. Iniisip niyang kinakailangang makapasok siya sa silid niya ng walang ingay. Mabuti na lang at nang makapasok siya sa bakuran ay walang tao. Ngunit nasa anyong Lobo pa rin siya. Nagtago muna siya sa parte ng bakuran na mapuno at doon nagkubli.
LUMIPAS ang walong oras, hindi niya namalayang nakatulog siya sa ganoong kalagayan, at mag-uumaga na nang magising siya. Laking gulat niya ng magisnan niya si Hyulle, nakasuot ito ng bath robe at nakita siya nitong hubad at walang kasaplot-saplot. Hindi na ito nagtanong pa. Mabilis nitong hinubad ang suot na bath robe at inihagis sa kanya sabay talikod.
Mabilis naman niyang dinampot iyon at isinuot. Noon din ay natakpan niya ang kanyang katawan. Lalakad sana siya paalis ngunit nahablot siya ni Hyulle. At naikubli dahil dumaan ang hardinero nila.
"Halika, duon tayo dumaan sa likod, may daanan papasok sa kwarto ko." Hinila siya nito at dumaan sila sa likod bahay. May lihim ngang hagdan doon papasok sa kwarto niya. "Bakit kasi ang tigas ng ulo mo?" Sabay Toktok nito ng kamao sa noo niya.
Napapikit lang siya sa ginawa nito. "S-sir, pasensiya na po kayo, naabala ko pa kayo," magalang at nakayukong sabi ni Polina.
Lumingon lang sa kanya si Hyulle. "Mamaya magpunta ka na sa Office ng HR ng school mo, at magpalipat kana ng Schedule," naka cross arms na nanamang sambit nito sa kanya. Nakatitig ng diretso sa kanya at siya naman ay hindi makatingin. "Walang tao, mabuti pa ay magtungo ka na sa silid mo, maya maya ay oras na ng trabaho." Utos nito sa kanya. Tumango lamang siya rito at nakayukong lumabas ng silid nito, bagamat nagtataka siya dahil sa ginawang pagtulong nito sa kanya, lubos siyang nagpapasalamat sa binatang amo.
What do you think?
Total Responses: 0